Nagloko kami pareho ng asawa ko

Hi mga mamsh,i just need some advice lang po. May asawa ako at may anak na kami 6 months old. Nung unang pagsasama namin okay naman kami pero nung nabuntis ako nag iba ugali niya. Bihira niya na lang ako uwian,uuwi siya pag gusto niya makipag sex sakin pero pag ayaw ko dahil delikado ako mag buntis nagagalit siya sakin so kahit ayaw ko minsan pumapayag na ko pero after sex lagi akong muntikan makunan. Fast forward,nanganak na ko CS. Pagka hatid niya sakin sa bahay namin hindi na siya ulit umuwi ng 1 buwan. Nakiusap ako sa kanya nun na kahit sa 1 month ng baby namin umuwi siya dahil first baby namin gusto ko complete kami pero still di siya umuwi kasi malayo daw,mapapagod lang siya. (Nasa cavite ako,siya nasa manila stay in sa work) So hinayaan ko,after 2 days nagpaalam sakin may night swimming daw silanng mga ka trabaho niya sa cavite at siya pa talaga nag drive 7 to 3 am swimming nila. As asawa niya sobrang sama ng loob ko kasi pag para samin ng anak niya ayaw niya umuwi kesyo mapapagod siya pero pag swimming g siya. Ff, bihira siya umuwi na talaga kasi sayang pamasahe at pagod daw pero nakikita ko sa myday ng mga kasamahan halos laging nasa padis lalo pag sahod ng linggo. (Halos babae lahat kasama niya sa work) Pag tinanong ko siya hindi daw siya kasama pero ending pinapaamin ko talaga dahil may proofs ako, so ako iba na feeling ko dahil alam ko may iba na siya. Sa sobrang galit ko kasi lagi akong nagmamakaawa sa oras namin ng anak ko sa kanya after 4 months ko manganak gumanti ako ,nagkaron ako ng ibang lalake and may nangyari samin pero once lang tinigil ko din then nalaman ng asawa ko. Okay na kami,nagka patawaran na 1 month na lumipas not until naoperahan ako sa appendicitis after operation ko tinatawagan ko siya pero nakapatay sim niya at ina archive niya chat ko sa messenger so nagtaka na ko. Pag uwi ko galing hospital tinanong ko siya if meron siyang babae umamin naman siya, sabi niya di na daw niya uulitin gumanti lang siya sakin so okay na kami ulit. Not until nung 20 ng gabi naka restrict ako sa account niya, nagalit ako syempre kasi okay na kami eh tas irrestrict niya ko. Bandang huli nalaman ko magkasama sila kaya restricted ako hanggang sa nag away kami at nakipag hiwalay na siya sakin ayun pala itutuloy na nila nung babae niya yung relasyon nila. Tinanong ko yung babae sabi niya wala daw silang relasyon ng asawa ko pero meron pala talaga matagal na (sinabi sakin nung ex luve in partner nung babae) Ang kinakagalit ko lang ngayon mga momsh kasi nung time na may sakit anak ko nagmakaawa ako na umuwi siya kasi nahihirapan na anak namin huminga pero di niya inuwian or kinamusta padala lang siya ng pera hanggang nung isang araw may sakit pa din anak ko nagtatae na sabi ko pahingi pambili gamot sabi niya wala siyang pera pero nakita ko sa tracker ko nung madaling araw nasa SOGO HOTEL sila nung babae niya 12hrs. Tas niyayabangan pa ko nung babae kasi daw naging ex din daw siya pero di siya katulad ko na naghahabol. In the first place kaya ko naghahabol kasal kami at may sakit anak ko. PS: yung babae may live in partner pero hiniwalayan na din niya para matuloy relasyon nila at hindi masabing cheating.🙂 Please help mga mi,di ko alam gagawin ko gusto ko sila sampahan ng kaso.😩 #help #adviceplease #Helpplease #adviceappreciated #helpandrespect

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po!! First of all, ano po ang goal bakit sampahan? is it to take revenge? or gusto mo makulong asawa mo? or para bigyan kayo ng sustento? Baka nong di pa kayo kasal babaero na siya hindi mo lang nahuli or you turn a blind eye kasi mahal mo? Anyways go back to your question, ask yourself po what is your goal and purpose bakit magsampa ng kaso? kasi ang end result dependi sa kong anong gusto mo. Tsaka wag ka pong pa trigger sa kabit kasi hindi naman siya legal kahit maghiwalay pa kayo but sa batas hindi naman legal ang separation you can have all the right to file a case kaya mali yung reasoning ng asawa mo sayo na makipaghiwalay para hindi ma consider as cheating. Kasi ang cheating nasa isip pa lang at di pa gingawa is considered as cheating na po. Now, if gusto niyo lang ng sustento po, file po kayo ng case para mabibigay siya. But if magfile kayo para takotin lang asawa niyo at bumalik wag nalang, you are wasting money and time. Kaya make up your mind. Try to find a job para maitaguyod yung anak niyo po, mainam na may work kayo para di po dependent sa asawa but don't forget to ask sustento po kasi nasa batas naman yan.

Magbasa pa