Share ko lang sa inyo

Hello mga mamsh sobrang imbyerna ko lang kanina so bali nagpapacheck up lang ako sa lying in. Tapos kanina humingi ako ng request ng ultrasound so nireffer nya ko sa isang lying in. Edi punta ko ang layo pa ha tapos pila mahaba ang tagal tagal etong mga ob nag cchismisan ayaw nalang magtrabaho sa oras ng trabaho. Tapos nung ako na yung iuultrasound ang bilis bilis para akong minadali n ewan. Bukod pa don yung higaan ang liit at ang ikli (matangkad kasi ako) edi hirap na hirap ko kasi sobrang lampas ko sa higaan parang kalahati lang ng katawan ko yung nakahiga!! Tapos etong nag ultrasound saken ang diin masyado at ultimo yung pag print ng ultrasound di maintindihan nakakaimbyerna!!! Wala pa siguro 2mins tapos na ko iultrasound. Sino nakaranas ng ganto?! Sayang pera!! Nakakadisappoint

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hi momsh, wag na po kayo ulit doon magpaultrasound kasi pangit ang experience nyo. Kahit may referral po pwede po kayong pmunta sa ibang ultrasound clinic na maganda ang service. Dun naman sa ultrasound momsh pag pelvic ultrasound dinidiin po tlaga normal lng po yun, noong sa akin BPS at gender ultrasound nasa 3-5 mins lng dn po.

Magbasa pa