ADVICE MGA MAMSH!

Hi mga mamsh share kolang experience ko kasi anhirap walang mapagsabihan. 17 years old po ako at consistent na nasa honors bago ko mabuntis talagang maganda ang grades ko. Up until now nag aaral parin naman ako ket online class. Nasa 34 weeks na ako mga mamshie. Lahat sa side ko disappointed sa nangyari sakin lalo na mother ko pero kahit na minsan napapagsabihan ako ng mother ko hinding hindi nya kami pinabayaan ng baby ko. Yung side naman ng bf ko humarap naman sila sa pamilya ko at talagang na make sure nila na sila gagastos ng checkup,gamit at panganganak ko kahit nga binyag pinaguusapan na nila ngayon. Kaso parang di nakikita ng mother ko yung pagaalaga sakin ng bf ko alam ko masama loob nya kasi nagtiwala sya samin e. Bumuo nako ng sariling plano sa sarili ko at sa baby ko. Mag aaral parin ako tas magtatrabaho at magiipon kasi nga bata pa kami ng bf ko hindi pa sure baka isang araw magbago ihip ng hangin kung dedepende ako sa kanya mahihirapan ako. Pero twing napag uusapan yung college yung mama ko lagi nyang suggestion magtrabaho nalang ako tas kukuha ng 2 years course o huminto mag alaga nalang. Gusto kong makatapos parin kasibl yun nalang maipagmamalaki ko sa sarili ko kahit naman ako mas malaki disappointment ko sa sarili ko minsan nga naiisipan ko magbigti nalang tas yung gagastusin samin ni baby gamitin nalang sa burol ko kaso ang makasarili ko kung ganon diba? Yung baby ko lagi ko syang kinakausap tas kinakantahan kung gagawin ko yun para ko na din syang tinanggalan ng pangarap. Ngayon ang plano ko after ko manganak bago ko pumasok ng college makikipaghiwalay ako sa bf ko. Kasi mag aaral din sya at kung talagang mahal nya kami ni baby hihintayin nya kong makatapos. Pag nakatapos na kami at mahal parin namin isat isa y not diba? Hindi ko naman ilalayo yung anak nya sa kanya e gusto kolang na masecure ang future ng baby ko at para di narin masundan muna si baby. Any thoughts mga mamsh? #advicepls #pregnancy #1stimemom #firstbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hi sis. you can still pursue your dreams while having a baby. you’ve got to work hard. work harder than anyone else.. your mom’s realistic. mgiiba din kasi lahat pg may anak ka na. I guess she’s worried if makakaya mo. Alam mo, Ive got schoolmates who got pregnant before college. They didn’t break up. They proved their parents wrong and now they’re a loving family of 4... and both are very successful in their chosen career. Give your child a family he/she deserves. 😀

Magbasa pa