Sobrang stressed💔😢

hello mga mi, pasensya na po, pero pwede po ba ako mag open up dto? I am currently 22wks pregnant now. Ako lang po ba dito sa AP yung sobra sobrang stressed? 22weeks na po yung baby ko, pero ni isang kusing wala pa po kaming ipon ng mr. ko, kulang na kulang po kami sa budget,may trabaho naman po yung lip ko kaso kapos na kapos po talaga 😢 wala din po akong iniinom na vitamins ngayon, walang fruits, and cravings na nattikman😢😭 minsan kahit na may gustong gusto ako na pagkain, diko nalang sinasabi kay lip kasi wala dn naman. Sobrang nahihiya ako mag sabi ng cravings ko, kasi alam ko kapos na kapos sa budget. May antibiotics na reseta yung dr. pero mas malamang diko na dn maipabili kay lip. Ang hirap lang po ano? kasi kahit gusto mong ibigay kay baby yung best during pregnancy pero dimo afford. 💔 kaya thankful talaga ako na walang problema na nakita kay baby during my utz. Alam ko naman po na bawal na bawal ma stress kapag buntis, pero can't stop thinking and worrying po eh😢Awang awa na po ako sa mr. ko, kasi alm ko na hindi lang naman ako ung na i stress kundi pati narin sya. Alam ko dn kasi na kahit di nya sabhin sakin na nahihirapan sya, nararamdaman ko naman po. nakaka inggit lang talaga kapag meron kang preggy na nakikita na super bless pag dating sa Financial😢 lately po medyo nagsasasakit na yung puson ko, at madalas po naninigas tyan ko😢 baka po may pwede kayong i recommend na pwedeng pagka kitaan kahit nasa bahay lang😢 please naman po oh pa share naman po🙏💜 please don't bash me po. wala lang po talaga ako mapag labasan ng mga gusto ko sabihinl.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

feel you mi . ako naman is may vitamins and sa health center ako nagpapacheck up pero yung mga cravings ko sinasarili ko nalang kasi alam kong wala , wala rin akong maternity dress o panty bra na pambuntis kay lahat masisikip na. nakakastress na tapos sasabayan pa ng bigay ng stress sayo ng mga kasama mo sa bhay. sarap nlng maglaho kung wala lang akong dala ngayong baby

Magbasa pa

same problem mi. ung cravings sasarilihin nalang talaga. tapos stress pa sa MIL. super stress dahil sanay ako na nakakapagprovide ako para sa sarili ko na ngayon di ko na magawa. tapos di ko mafeel effort ni LIP. 😢 kapit lang po. makakaraos din tayo

Sa center ka po magpa prenatal free ang vitamins. Dto samin pati gamot antibiotics na reseta pwede rin mahingi sa center pipila ka lng maaga sa dami pasyente.

sa health center niyo mommy, ako monthly check-up sa center and may free vitamins.. wag masyado mastress isipin lagi kapakanan ni baby..

Consider visiting your barangay health center for free vitamins..

hello sis WFH ako and 24 wks na tummy baka makatulong lang naman

2y ago

pano po mi, interested po ako

may free vitamins sa center po. Pwede kayo magpa prenatal