Iyak

Hi mga mamsh! Share ko lang po experience ko sa boyfriend ko. Btw I'm 15weeks pregnant! So eto single mom na ata ako hehe pinalayas ako ng boyfriend ko sa upahan namin ngayon pinaghahahagis nya damit ko kaninang umaga ako naman pinulot ko syempre at nilagay sa bag ko at umalis. Ang pinagawayan namin is matinding selos nya po. Idk kung ano pinagseselon nya wala naman dapat! Sabi nya may kalandian daw ako without proof! Umalis ako sa upahan namin ng wala pang kain pero naligo ako ng malamig kasi papasok ako work. Then habang naglalakad ako dala dala ko mga damit at labahan ko hanggang sa trabaho ko. Kawawa ko tignan mga mamsh! Di ko akalain na magagawa nya samin ng anak nya yon. Di ko alam gagawin ko next! So now andito ako sa bahay ng parents ko. Pero di nila alam na buntis po ako! Huhuhu help po mga mamsh

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Una mong gawin momsh, sabihin kay parents yung totoong nangyari. Magagalit sila lalo na buntis ka pero normal reaction lang ng parents yun at sigurado sasabihin nilang ipakasal ka sa lalaking naka buntis sayo. Pero kung ako sayo, di ko pakakasalan yung ganyang lalake. Buntis ka, may pandemic pa tapos palalayasin ka sa baseless na paratang? Di magandang makasama lifetime yung ganyan. Matatanggap ka ng parents mo wag kang mag alala.

Magbasa pa