Share ko lang..

Hello mga mamsh.. Share ko lang.. 2 ang anak ko parehas babae mag iisang bwan na si LO sa friday yung panganay ko naman ay 3years old na. Hindi naman sya selosa at love nya si LO kaso may ugali sya na gusto nya sya din tas sabay sila like mag dede si LO (breastfeed) gusto nya itimpla ko din sya ng dede.. Nag wowork asawa ko at kami lang lagi. Lagi kong pinapakiusapan ng wait lang ung panganay ko kasi ndi ko basta pde iwan sa kama si LO. Kanina habang kumakain nag sabi sya sa hubby ko. Sabi nya papa baby ely nalang love ni mama ndi na nya ko timpla milk. Naguilty ako ang hirap nila pagsabayin alagaan 😭 madlas napapagalitan ko sya kasi ndi sya mapakiusapan na wait lang. Gusto nya agad agad na gawin mo ung utos nya.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

parehas tayo momshie. Madalas my isang naiyak. Nakakastress, sobrang exhausted. pero pag lumaki naman sila maaalala mo nlng yan. Alam kong natututo sila parehas lalo na yung panganay ko. alam kong naiintindihan nya ko kahit minsan nagseselos sya at napapagalitan ko sya. 😊 Be strong momshy

5y ago

Nakaka guilty talaga mamsh, ngayong araw na to panay sermon at galit ang drama namin mag nanay. Naiiyak nalang din ako sa badtrip ndi ko nakan mapalo, tas ngayong tulog na sya nakakapang sisi talaga. Ang hirap kasi ndi ko din mailapag ung maliit ko at sobrang clingy din.