Help po!

Mga mamsh! Panu po kaya magiging desisyon ko? Si bf po kasi alam nya na di ako nagkakaperiod for 3 months na non. LDR po kami. Tapos nung going 4mos na nagdecide sya na maghiwalay na kami. Knowing na delayed ako. Pero knows ko na po na preggy ako. Di ko lang sinasabi pa sa kanya dahil surprise ko sana sya paguwi ko sa kanya. Kaya lang nagawa pa nya magdecide ng ganun. So nagdadalwang isip po ako kung uuwian ko pa ba sya.. nakipagbalikan po sya nung sa sobrang sama ng loob ko nabanggit ko po sa kanya na baka buntis ako. Parang ang lagay e babalik sya dahil may baby. Pero natatakot po ako na baka anjan na yung baby tapos pag napagod sya e iwan nya kami ulit. Kawawa naman po lalo ang baby ko. Sa case ko naman po kahit di nya panagutan e kaya ko naman buhayin si baby. Iniisip ko lang po si baby na ayokong lumaki na walang ama. Kaso iniisip ko din po na sige may ama nga sya kaso pano kapag iniwan kami ulit? Ganyan po ugali nya since 17 pa lang kami. Pag napagod iniiwan ako tapos babalik kung kelan nya gusto. 27 y/o na po kami ngayon. Kasal po ako sa una. Pero maayos po kami naghiwalay nung una.. tapos nagkabalikan po kami ng ex ko mag 2yrs na po before ako mabuntis. Tinalikuran ko po lahat para lang maitama ko yung pagkakamali ko na nagpakasal ako ng di sigurado (i have reasons po at naipit lang po talaga ako sa sitwasyon). Parang after ko po ipagpalit ang lahat pati po karangyaan ng buhay na meron ako na di nya kayang ibigay (which is tanggap ko ).. e nagawa pa nyang hiwalayan ako ng ganun lang.. 6mos preggy na po ako. Hingi lang po sana ako ng payo. Naguguluhan po kasi ako kung uuwian ko pa ba sya? Or ako na lang mag isa ang magraise sa baby ko? Salamat po sa inyo. ?

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Uwian mo sya at tanungin mo sya ng masinsinan, at magpatulong ka sa parents mo.

Better to give him a chance, after all sya pa din tatay ng baby mo, momsh

Hi, mommy. For me po better if you'll still give him a chance. Since sinabi mo na ganyan yung ugali niya talaga then chances are baka pahabol effect lang si kuya sa'yo BUT you have to set your rules and conditions na. Need niya kamo baguhin yung pagiging immature niya kasi magiging tatay na siya. Mahirap yan sa una na baguhin pero sa tulungan niyong dalawa i think mababago nya yon. Pinakamahalaga is open communication and mukhang hirap siya magexpress ng feeling and emotions so tulungan mo siya. If nagawa mo na lahat ng efforts and adjustments and di pa din siya nagbago or nageffort man lang then better to cut ties nalang para na din sa peace of mind niyo ni baby. Sana malegalize na din yunt annulment niyo ni ex hubby mo kasi baka factor din yon sa partner mo kung bakit lagi ganon yung reaction niya, baka guto ka niya pakasalan ganern. Anyway hoping na maging ok na lahat para sainyo. Pray lang mommy. Bibigyan ka ni Lord ng tamabg answers and iguguide ka nya. Update mo kami ha. Goodluck 🙏❤

Magbasa pa
5y ago

Yes po. Kinoconsider ko lang din po yung feelings ng ex ko since alam ko na sobra din syang nasaktan. Kinausap ko naman sya ng maayos at alam din nya po yung mga mali nya kung bakit din po ako nagdecide na makipaghiwalay na. Okay naman po sa kanya. Nasa healing process pa din kasi sya kaya di ko pa maopen yung topic regarding annulment. Thanks po talaga.. para kay baby!!!!

VIP Member

pwde nyo po bigyan ng chance kasi may mga lalaking nagbabago especially if may baby na. pero wag nyo po iasa sa kanya lahat, wag maging masyadong dependent sa kanya. iba po kasi talaga if may life ka rin or dreams na pinupursue para sa inyo ni baby.

5y ago

Yes po. I'll tell him na kapag ginawa nya ulit yun.. lalayo na po kami ni baby. Para once and for all malinaw po ang lahat at para di na rin magulo para kay baby. Thank you po talaga.

VIP Member

Gve him a chance and dapat mahal mo din siya.. Dapat nd lng si baby ang balikan ni mr dapat pati ikaw

5y ago

Ayan nga din dapat namin pag usapan.. kasi kung mahal talaga ako e di dapat ako iniiwan. Alam ko naman sa sarili ko na di ako kaiwan iwan na babae.. kaya eto rin po dapat namin isettle kung yung pagbalik nya e para kay baby na lang ba o kasama pa ko dun. Thanks po.

Mamsh bigyan mo ng chance. Para kay baby.

5y ago

Salamat po..

Related Articles