Mga mamsh pahelp naman kase niloloko na kami ng may ari ng inuupahan namin. Dati kase 2600 daw babayaran namin sa kuryente. Eh 1 computer, 2 Fan at ilaw lang gamit namin. Magdamagan yun, Dating bill namen pumapatak lang ng 800 noong unang lipat namin. Ngayon pumapatak na ng 1k pataas. Tinanong ko kung magkano ang kwh na singil sabe samin x20 daw. Ngayon 2040 nalang daw babayaran namin. Tapos naging 1600 iba po kase yung nagrereading kundi yung apo nung may ari. Bale iniiba nya po yung Previous reading yung latest reading lang ang alam namin which is 1271. Yung previous hindi namin alam ang nilagay nya is 1169 pero pagtingin ko dun sa papel na binigay nya dati ang nakalagay dun ay 1137. So 1137-1271 = 134x20 = 2680 yan dapat daw yung babayaran namin pero sabe nung nagrereading binabaan nya daw para daw mababa yung babayadan namen kaya iniba nya yung reading. Ginawa nyang 1169-1271= 102x20= 2040. Ngayon kinausap ko yung may ari bakit 2040 ang babayaran namin sabe nya 800 lang daw kuryente namin yun daw ang sabe ng apo nya ( nagrereading) ngayon nagbayad ako ng 800 para sa kuryente. Tapos kinabukasan tinawag ako nung may ari na hindi daw 800 bill namen kundi 1600 daw. Kase yung 2680 daw kasama daw yung Internet at tubig namin which is 800 pesos lahat. Pero ang sabe samin nung apo nya kuryente lang yung 2680. Ngayon binawas yung 800 ( Para sa Net at tubig) tapos 1k ( na binayad ko para sa kuryente 800 dapat yun kaso walang barya kaya 1k naibigay ko) so 2680-1800= 880 nalang Daw kulang namin. Hinihingan ko sila ng copy ng meralco bill ang binigay eh yung july at august hindi pa daw naibibigay yung latest bill. :/
PS: ang Total amount po na nakita ko sa bill na binigay nila na july to august is 5,333 then Total na KwH is 495 so 5,333/495= 10kwh lang po pala. Pero po ang singil samin ay x20 makatarungan po ba? Wala po silang contrata.