Gulat sa baby
Mga mamsh, need help!!! 3 months and 6 days si baby. Sobrang naging magugulatin baby ko :( Hindi na siya makatulog ng maayos kahit na nakaduyan siya. Konting kaluskos nagigising dahil nagugulat. Ano po kaya pwedeng gawin? Sobrang worried po ako kasi parang feeling ko nabawasan siya weight gawa ng hindi siya nakakatulog ng sapat sa araw. Pero sa gabi halos 8-10hrs sleep niya. Need suggestions mga mommy! Thank you so much!
try mo mag radyo :) ang advise kasi sakin before palang mag tv ako sa kwarto para sanay sya sa ingay kaso tamad ako manuod and iwas screen time so bumili kaming radyo, halos 24hrs kami nakaradyo kasi na enjoy na din namin yung music 😂 tapos sinanay din namin na kahit nag uusap kami nakakatulog lang sya. possible naman din po na di sya masyado mag gain weight lalo na madami na sya ginagawa like pag try dumapa, mas malikot na din po sya sa ganyang buwan.
Magbasa pasiguro lagyan mo sya nang unan na pwede nyang makatabi but be sure na lagi mung titignan sya kc baka maitakip nya ito sa mukha nya at pwede ding ipahawak mo palagi yung daliri mo at kausapin sya na narito ka lang di nya kaylangan mag alinlangan o matakot at magulat..... yan kc ginawa ko noon nag okey nmn at naging comfortable nya at nasanay na matkatabi syang unan
Magbasa pac baby q momshie ganun din nung maliit cia,ginagawa ng byanan q nilalagyan cia ng unan pag tulog na daganan ng di nmn ganun kabigat n unan para lng di cia ganun kagulat pag my naririnig sa bandang tyan nya ung standard size lng n unan momsh huh.share lng pu
normal lng yan momsh..moro reflex...dati naiistress din ako kc magugulatin dn si baby..khit walang ingay..bgla sya nagigising sa gulat tpos iiyak na yan...your baby will get over it..may mga dpat lng tlaga sila pagdaanan habang lumalaki
Normal po yan kasi developed na ang senses ni baby aware na sya sa kapaligiran nya. Ang masama e yung walang reaction pag may maingay sa paligid. Lagyan mo nlng ng unan parang dantayan nya.
Same here mami ganyan na ganyan baby ko 3 months and 10 days na sya sobrang magulatin din kunting ingay nagugulat agad di rin sya nakakatulog sa araw kasi maingay kaya bawi din sa gabi
Lagyan niyo po ng unan ung legs nia. Ipatong niyo po. Ung unan na ginagamit natn. Ganon gnwa ng biyenan ko sa baby ko noon kasi konting tunog naggulat. Napapaangat pa ng binti.
hello Mami ganyan din baby ko 2 months napakasensitive sa sounds ginawa ng hubby ko kapag 2log sia iniipit nia ng magkabilang side ni baby ng bolster.so ayun effective po.
https://www.facebook.com/reel/242979648248191?s=yWDuG2&fs=e&mibextid=Nif5oz you may watch this..for me this helps and explains a lot
Subukan niyo po i-expose sa ingay,like magpatugtog ng music,igala sa labas mga ganon para ma-establish yung hearing niya.