33 weeks and 4 days

Mga mamsh nakakaranas din ba kayo na parang nagpa-palpitate lang si baby sa tummy nyo? Tapos ang tagal tumigil? Ako kase ganito madalas,ayoko nga ng feeling eh mas gusto ko yung todo galaw sya kesa palpitation lang ang pinaparamdam nya.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po madalas nararmadaman sa may bandang pwerta left side kadalasan. minsan lang sa right side..nung nag 30 weeks ako start na sya ganun...ngaun 34weeks nako ang movement ni baby parang alon alon as in parang buong katawan nya nararamdaman ko gumgalaw and super nasasaktan ako kase pati pwet at pwerta aabot yung galaw nya hndi ko maintindihan kung lalabas na ba sya or natatae ako..tapos ang tagal tagal pa hehe minsan kausapin ko na wag masyado magalaw kase nasasaktan nako.. kaya gnagawa ko hihiga ako right or left side mejo matagal sya tumigil sa kakagalaw...pang tinutusok nya rin kase yung pwerta ko eh ang sakit talga

Magbasa pa
6y ago

Yung tumitibok pulsing po yung mga sissy google nyo and its normal po yun... 35weeks and 2days now nakaka Ramdam pa din ako nyan and malikot pa din si baby minsan naninigas na din tummy ko

pakiramdaman nyo po kung may oras ba ang pagpalpitate ni baby sya tiyan nyo. Ganyan din ako nung buntis ako, mararamdaman kong parang tumitibok tibok sya every after ko kumain. Sabi ng lola ko sinisinok din daw sya kaya uminom daw dapat ako agad ng maraming tubig pag sumisino na sya sa loob ng tiyan.

Magbasa pa

ang todo galaw po normally nasa start ng 34 weeks. nung 36th week na ako sobrang galaw na. nung 33 weeks ako pintig lang and few kicks and movements. mas mararamdaman mo kasi ang galaw nya pag nasa 36 weeks na dahil full term na sya at na occupy na nya ang space kaya every galaw nya ramdam mo.

Ngayon 29weeks ako nararamdaman ko din madalas na parang may tumitibok sa bandang puson ko every night haha tapos sobrang galaw ni baby sa left side. Minsan feeling ko lalabas na sya sa pempem ko kasi parang may natutusok e. Haha

sakin sis sobrang lakas gumalaw pero nasa 32weeks palang ako. tapos para na syang lalabas kasi sobrang lakas sumipa lalo sa may bandnag pempem. ang sakit sakit. di ako makatulog. like now. hahaha.

TapFluencer

normal daw po na mabawasan ang paggalaw ni baby habang tumatagal kasi lumalaki yung space na occupied niya sa womb natin. hindi siya makagalaw ng sobra unlike nung una una siyang nagsisipa.

33 weeks nadin po ako . Masakit nadin Sya Gumalaw sa tummy ko halos Sunod sunod . tas pag naglalakad ako masakit na Balakang at Tiyan ko parang manganganak nako 😅

hiccup po yun ni baby. normal po. pero need pa din obserbahan kasi baka bad sign na nakapulupot ang cord.

VIP Member

hiccup daw yun. kala ko din parang heartbeat

VIP Member

hiccup dw yun sis..nothing to worry

6y ago

I agree. Good sign yung pag hiccups meaning ok yung refleces nya at nagpapractice breathing na si baby!