34 weeks and 3 days Mababa naba si baby?

Sino po dito same exp na mababa na si baby ung tipong bawat galaw nya ramdam nyo na parang lalabas na sya sa matres nyo. Minsan pagnapapalakas ung galaw nya feeling mapupunit ang matres. Madalas nadin paninigas ng tyan at ung movement nya more on siksik/stretching kesa dati na biglaang sipa or galaw.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same mamsh, 34w 4d na kami ni baby, nakakaramdam na nga din ako ng may tusok tusok sa pwerta ko. Humihiga nalang ako left side para mawala ung tusok tusok na feeling, edd ko feb27 pero naka schedule Cs ako feb14

2y ago

Planned cs po talaga napag desisyunan namin ng husband ko then kinausap namin yung OB ko since day one palang ng checkup po :) na hindi ako mag nonormal delivery.

same momsh. malapit na po kasi lumabas and kulang na din space ni baby sa loob ng tyan

ganun din po feeling ko. medyo pagod na ksi hindi pa ka leave from work Feb 26 p naman edd

same here po, madalas nadin paninigas ng tyan.sa Feb 26 din po edd ko.

ganyan din po nararanasan ko. hinihiga ko na lang tas maya maya okay na

normal lng yan mi, kc malaki na c baby..