Rashes sa Mukha ni Baby

Mga mamsh, nakaencounter na po ba kayo ng ganito sa baby niyo? Una butlig lang sya tas tinry ko pahiran ng gatas ko kaso walang effect namumula lang lalo tas nagtry din ako mag pahid ng lactacyd ganyan naman kinalabasan nya parang natuyong balat ano po kaya pwede pang gawin 🥺

Rashes sa Mukha ni Baby
74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baka naman pinag ibigan yan...baka nung buntis ka may gusto kang kainin na di mu nakaen...para xiang letchon...gawin mu bumili ka ng kapirasong baboy tapos ihaw mu tapos itabi mu sa anak mu 3 days balutin mu foil at plastic mawawala yan...ganyan sa anak ko date

cradle cap po yan momsh common s mga nb bago nyo po xa paliguan pahiran nyo po ng bb oil lagay nyo s cotton then gently rub it po gawin nyo po everytime b4 xa paligoan mg sosoften po yan hanggang s matanggal po😊

pagtyagaan nyo po warm water lang nung tinigyawat baby ko warm water lang talaga and cotton nilalagay ko, palitan nyo cotton kada side ng face na pinapahiran nyoo, kada papalitan ko sya diaper ko ginagawa sa face nya yun

2y ago

kawawa nmn si baby, everyday mong paliguan. before mong paliguan pahiran mo ng baby oil para lumambot. habang pinapaliguan mo dahan dahan mong kuskusin yung muka ng wet cotton. kelangan maalis yan, kung di yan maaalis magsusugat yan. after maligo dampian mo ng tuyo at malinis na pamunas. wala kang ibang ilalagay sa mukha nya, kahit sabon pagnaliligo wag mo lagyan. tubig lang muna. sakit nyan, sobrang nakakaawa. baka kapagpinapahiran mo ng lactacyd di nababanlawan ng maayos. tandaan mo sensitive skin ng baby, normal yan pero yang sa case ng baby mo malala na. kapabayaan mona yan, be sensitive, baby yan kawawa nmn. sorry to say ah

much better pa check bka lalo mpahamak c baby kpg kung ano ano pinahid

2y ago

1month ang baby ko nagkaganyan ang pisngi niya, kusa namang nawala pero may pabalik balik parin na rashes. Ang dami nang nirecommend na sabon pero wala paring progress kaya ang tanging ginagawa ko nalang is iniingatan ko na di mairritate ang skin ng baby ko at hindi ko masyadong iniexpose sa ibang tao.

TapFluencer

nag kaganyan baby ko before, thats craddle cap po. nag karoon pa baby ko nyan sa ulo. try to consult po sa pedia ni baby mommy. nag used ako before ng mustela meron sila nung shampoo na pang craddle cap,

iwasang magpahid pahid ng kung ano ano sa balat ni baby. napakasensitive po ng balat nila. baka lalo lang lumala yan. ipacheck nyo nlang sa pediatrician nya or sa health center para wlang bayad.

mommy ganyan po si baby nong 1-3months po siya. Pina check up po namin. Binago po yung sabon niya yung resita ni doc CETAPHIL PRO AD DERMA tska Elica lotion twice a day e apply kay baby.

cradle cap yan mi..sa anak ko kilay lang nagkaganyan..pinangtanggal ko lang is squalane baby oil ..saka petrolium jelly kusa lalambot yan at mababakbak.. wag mo lang pilitin tanggalina

baby oil lng mi lagay mo sa bulak tapos dahan dahan mong ipahid nag ka ganyan din ang baby ko dati..baby oil ginamit ko..yun unti unti sya na wala.basta dahan dahan lang pahid mi.

2y ago

agree 100% effective.

naku Mommy pag ganyan na kondisyon ni baby better magpunta napo ng pedia para mabigyan ng tamang gamot si baby....wag napo tayong mag self medicat kasi si baby po ang kawawa...