Usapan lancets/sugar test/FTM/Help naman mga mamsh🙏

Hello mga mamsh! Magtatanong lang po sana ko, sino po dito ang nagmomonitor NG blood sugar nila? Ung lancets po or pantusok , pwede po ba sya twice or trice na magamit? First time ko lang po kasi eh, e Dko po alam na 10lancets lang laman NG 1set, e hanggang Oct. 14 po ako magmomonitor, tapos 3x a day papo, medjo magastos po kung bili ako NG bili NG lancets. Sana po may makasagot😊 start po kasi ako ngyong gabi😊

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Once lang po dapat gamitin yung lancet Mi, pwedeng kapitan ng mikrobyo kasi imagine mo yung pinantusok mo nung una may bahid na yun ng blood, at ang blood, very good medium ng mga mikrobyo oara tumubo, gustung gusto nila yun. minsan po kakatipid natin, mas napapahamak pa po tayo... konting tiis lang po since sabi mo nga oct 14 balik mo na kay OB.. bili ka na lang ng dagdag. Safety 1st ninyo ni baby ang priority. Godbless po.

Magbasa pa
2y ago

Thanks sa answer mamsh 😘 cge po❤️

dapat one time lang.. for safety purposes baka kasi macontaminate ung lancet pag paulit2 and maka cause pa ng infection.. yan po ang advice sakin ng doktor ko but you can check with your doctor po if pwede ba gawin iyon and bak may maissuggest siya na way to avoid contamination or sterilize ung lancet para pwede magamit ulit

Magbasa pa
2y ago

Okay cge po mamsh, salamat po❤️

Much better na wag na po ulitin pa. Once lng po ang pag gamit. Disposable po yan, ndi reusable. Sa shopee ako nakakabili ng murang lancets momsh..mura lang. Anyway, have a blessed pregnancy journey to all of us! God bless us all. 🙏🏻❤️

hi Mommy :) di po okay mag reuse ng lancet :) may mga binebenta sa mga botika nyan mamsh mura lang :)

Bakit ang konti ng lancets mo. Ung saken kung ilan ung strips, ayun din ang no.. ng lancets.

2y ago

Yung brand ng aken 50 strips and lancets per box. 300php. 17 weeks nako. Diretso lang ako, pero choice ko un. Ayoko kasi syang lumobo talaga para di kame mahirapan mag labor… bfore bfsst and 2 hrs after dinner lang ako nagtetest.

Di po ako nag ccheck ng sugar pero as a premed prof. NO po.

Related Articles