usaping bigkis ni baby
Hi mga mamsh! Kelan po ba dapat bigkisan si baby? Im nearing my edd
Please read. Galing sa page ni Doc Hugot (Pediatrician). Dinala sa aking clinic kamakailan lamang ang dalawang buwang gulang na sanggol dahil sa madalas na pag-ubo, madalas na pagsusuka lalo na pagkatapos dumede, hirap sa paghinga at pagiging iritable. Sa aking eksaminasyon, tumambad sa akin ang matinding pagkakabigkis sa bata (makikita sa litrato sa ibaba ang marka ng bigkis sa sanggol) at may narinig na rin akong senyales ng pulmonya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit IPINAGBABAWAL NA ANG PAGGAMIT NG BIGKIS. Paano makakahinga nang maayos ang isang sanggol kung napakahigpit ng pagkakabigkis sa kanila at hindi na makakapag-expand ang baga? Paano ninyo aasahang bababa ang gatas sa bituka kung may matinding harang na nilagay sa kanyang tiyan? Malamang magsusuka talaga sila, mapupunta ang ilang patak ng gatas sa baga at magiging dahilan ng pulmonya. IWASAN NA PO NATIN AT HUWAG NANG IPAGPILITAN ANG MGA NAKAUGALIAN NGUNIT NAPATUNAYANG NAKASASAMA SA MGA SANGGOL. #BawalNaAngBigkis #DocHugotCares
Magbasa paNagbigkis si baby ko ng mga 2 weeks, then nung nag visit kami sa Pedia niya, her advise was saka ko na daw suotan ng bigkis si baby after matanggal ng pusod niya. I did not use alcohol for cleaning his navel, clean cotton na ti-nap ko lang sa lukewarm water then i-air dried it na po. Ganun lang. Same lang ng advice yung midwife na nagpa anak sa akin saka yung pedia ng anak ko. Pero if you want further explanations, better consult your doctor for a good advice.
Magbasa paHindi na po ako gumagamit NG bigkis ayw po NG mga pedia or Dr. nagiging cause lang dw po NG mahirapan s pahinga c baby.. Pero nasa sainyo po yan if gusto nyo sunduin ung tradition ways natin wag nlng po masya o higpitan
hindi na po advisable ang bigkis. kahit sinasabihan ako dito samin na bigkisan ko anak ko di ko pa rin sinunod. mas sinunod ko yung sinabi sakin sa hospital. 1 week palang natanggal na pusod ni baby. linisan lang ng alcohol
No to bigkis. Hindi matutuyo ung pusod ni baby or worst baka tumagal pa at ma infection. In my case, MIL ko mapilit sa bigkis, sinunod ko nq lng paro mas lagi ko nililinis pusod ni baby at 1mos ko lng sya binigkisan
Magbasa paMy doctor did not advice that, instead he said that iair dry daw yung pusod. Then after niya maligo lagyan ng ethyl alcohol then dry with clean cotton. Clean din dapat yung hands and then eventually matatanggal na siya
hindi na po inaadvise ng mga pedia ngayon na bigkisan ang baby para sa mabilis na pagtuyo ng pusod at may studies daw na nakakasama sa paghinga ng baby.. siguro pag nasikipan masyado.. 😁
Wag na mag bigkis. Patuluan na lng pusod ni baby ng ethyl alcohol and i.air dry. Yun lang ginawa namin natanggal pusod nya within 1 week na walang problema.
Not advisable na sya pero para sakin gagamitan ko parin baby ko pag labas..para lang safe at di lagi nasasagi..feel ko kasi nasapaglalagay nalang yun..
No bigkis. Nagkakacause ng infection sa pusod. Air dry po until mahulog si pusod. Wag po natin bigkisin. Di naman po totoo un.