ABNORMALITIES

Hello mga mamsh. Gusto ko lang makarinig at makabasa ng positive. Kasi palagi ako napapaisip dahil sa baby ko. Iniisip ko ang paglaki nya na tutuksuhin sya paglaki at masakit para sakin yun bilang ina. Gabi gabi ako nagdadasal, tinititigan at umiiyak. First baby ko po may congenital hand abnormality. Sino po dito ang kagaya ko or may ibang abnormality sa baby nila? Sorry po sa tanong ko pero gusto ko lang maramdaman na di ako nag iisa, magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Dahil first time mom ako tapos ganito at kung paano haharapin sa buhay ang bawat hamon samin at sa anak ko pagdating ng araw.

ABNORMALITIES
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

moms d ka po nag iisa.. baby ko congenital malformation left hand po. pka tatag lang po tayo. at wag iisipin sasabihin ng ibang tao.. pramdam lng ntin ang pamag mamahal at pag aalaga sknila.. 1month and 20days plang baby koh...

Post reply image
6y ago

mataas po blood sugar d naagapan po agad..

Hi mamsh.. Ok lang po yan.. May plano po Lord sa lahat kaya trust him lang po.. Anyways nasa genes nyu po ba yan mamsh? I mean meron po ba sa family or relatives nyu may defects? Nababasa ko po kasi dito nakukuha daw yan thru hereditary..

VIP Member

May kaibigan/kaklase po ako na ganyan ang daliri nya. Pero never namin sya tinukso or biniro tungkol dun. Ngayon teacher na sya. Wag ka mag worry mommy.. Paglaki nya, umiwas na lng kamo sya kapag may mga tumutukso sa kanya..

VIP Member

si baby blessings yan. baby ko, may abnormality din kaso di din sya tumagal, nawala sya, difficulty in breathing sya ang abnormality nya ay 'cebocephaly' (one nostril) kaya po maswerte ka mamsh, alagaan nyo po si baby nyo.

6y ago

sa CAS makikita yun kaso di ako pinagCAS ni OB ko. kasi every check up ko naman maayos, normal heartbeat nya palagi, at lagi din magalaw kaya akala ko normal na lahat, ultrasound lang every check up ko

Para po saakin wag mong isipin ng ibang tao ang ssabihin nila dpat ikaw mismo ang iintndi qng anung meron ang anak mo. Accept the fact n merun xa isipin mu qng anu ang pwding makatulong s akanya habang baby p xa

Okay Lang Yan mommy, kesa nmn sakit Ang meron sa BBY mo , db? Ung iba nga Jan nkapagtapos kahit my kapansanan, my completo tamad nmn, may reason c Lord Kung bkit ganyan BBY mo moomy. Positive Lang lagi. Godbless

Pag strong ka, strong din si baby. Palakihin mo ng maayos at normal si baby, suportahan mo sya lahat. Iparamdam mo sa kanya na hindi sya naiiba. Hindi na importante ang sasabihin nila. Kaya mo yan mommy.

VIP Member

Just be there for your baby, mommy. Ang mahalaga kasama mo yung baby mo, blessed ka pa din. Di naman mahalaga yung sasabihin ng iba pag lumaki na si baby e. Mas mahalaga yung nanjaan ka at mahal mo sya.

Be strong mommy and cheer up dhil snyo lng dn huhugot ng lakas si baby nyo. Wag nyo siya ituturing na iba, dpat po proud and happy lagi ipapadama at papakita nyo sknya habang lumalaki siya

Hello.Mami..ms blessed ka po kse yn lng ung problema ni baby moh..Ska pasalamat ka plagi kay God kse healthy nmn cya ang mhalaga anjn ka plgi pra sknya ..Wg mong icipin ang ibng tao..