Hinanakit

Hi mga mamsh! Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Madaming beses na kasi nangyari yung ganito. Dito kami ngayon nakatira sa side ng husband ko. Ang hirap lang kasi kumilos sa bahay nila. Alam niyo ung palagi nalang tinitignan bawat kilos mo tapos ang gara lang kasi halatang hindi kami bet ng anak ko ng MIL ko kahit sa asawa ko hindi niya din asikaso. Ang mas asikaso niya ay yung mas malaki ang naiaabot sa kanyang pera. So, ako bilang asawa ayaw ko ng gulo kaya hindi nalang ako nagsasalita sa asawa ko lalo na kapag nasa trabaho asawa ko hindi talaga kami aasikasuhin ng MIL ko tapos kapag dumating na asawa ko tsaka kami aasikasuhin. Nakakaloko diba? May mga time pa na parang pinariringgan ako na magtrabaho na daw ako. Sobrang naiiyak ako mga momsh ? Kasi kapag ba wala ang anak ng MIL ko na malaki magbigay hindi siya nagluluto, kung magluto man late na. hindi ako nakakakain sa tamang oras ? Kahit magsabi ako sa asawa ko ang isasagot lang sakin bumili nalang ako ng pagkain na para bang ganun kadali magkikikilos habang nagaalaga ng bata. ? Haayyyy bakit ba may ganitong tao ? porket ba wala kong trabaho ngayon? Tapos sasabihan pa ko ng mga magaganda niyang ate na losyang na daw ko porket di lang nakakapagsuklay. Tahimik nalang ako ?. para walang gulo. Para sa anak ko ?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. Opinion lang. You can work at home. Mahirap kasi na nakikitira lang tapos walang maiprovide. At kung mananahimik ka, walang mapapala iyon mamsh. Better to have heart to heart communication. Haloa ganiyan kaai ang mga MIL. Maraming napapansin. Ignore mo lang mga toxic na tao.

VIP Member

Mas maganda siguro kung bumukod na lang kayo, or mag online business ka. If marunong ka mag gawa ng sweets madali lang yun mabenta.