Nanghingi ng number ang asawa ko

Mga mamsh gusto ko lang ilabas sama ng loob ko. Kanina lang binuksan ko messenger ng asawa ko may nakita ko kachat siya babae di ko alam kung sino yun magkakilala ata sila. inadd siya nung girl then nagkachat sila, kamustahan, ganern, ang nabasa ko dun diko nagustuhan sabi ng girl wala pa siya asawa, sabi naman ng asawa ko "baka inaantay mo ko, sa ganda mong yan" tapos nabasa ko pa hiningi ng asawa ko number nung girl sabay bura ng asawa ko ang convo nila. bakit kailangan niya hingiin ang number nung girl tapos binura pa niya convo nila. hindi ko na sinabi sa asawa ko na nabasa ko convo nila. hindi ko siya pinapansin, pinaparamdam ko lang na galit ako. ano kaya maganda gawin sa asawa ko! bwisit siya!

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pagusapan nyo pong mabuti yan, di rin kasi magandang hinahayaan natin ang sama ng loob natin, lalo lang kasi silang gagawa ng kalokohan. Pero dapat po kalmado lang, wag po pairalin masyado ang galit, tapos tanungin nyo sya bakit nya ginagawa yon. May mga lalaki kasi na paghinayaan lang natin, patuloy pa rin sila kahit alam nilang mali. nasa babae po kasi yan kung nagbigay din ng motibo sa asawa mo.

Magbasa pa