Lip and fam

Mga mamsh ask ko lang po kung ano nalang po Yong gagawin ko,Yong lip ko kasi gusto nya kila mother nya nalang kami mag stay,Pero may bahay naman po kami Pero sa kabilang bayan pa po yun. Ayoko po kasing makitera sa kanila kasi Pag wala po kami,kami po kasi Yong pinag uusapan nila. Nakapag try na po kami ng tumira sa kanila Pero di po maganda Yong nangyari,ayoko din po kasi pinupuntahan po ng barakada nya Yong lip para mag inom.eh minsan po asar na ko kasi weekend nalang Yong time ng lip sa anak namin yayain pa sya ng barkada nya. Di ko naman po sya masabihan kasi nandito po kami sa puder ng parents nya. At ang pinaka ayaw ko po dito pinaparinggan po ako sa FB ng jowa ng kapatid nya po at Pati na din po Yong kapatid nya.kaya mas gusto ko long bumukod kami.inexplain ko naman sa lip ko Yong side ko kaso di nya po iniintindi. Gusto ko lang naman po na matuto na Pati na rin po sya. Di po kasi maganda Yong nangyari last yr. Dito sa bahay nila kaya ayaw ko pong ipagsiksikan sarili ko dito kahit gustong gusto po nila Yong anak namin,di ko po kasi alam hanggang Kailan okay kami dito. Baka Pag nag trabaho na po Yong lip ko at bigla nalang po sila g magalit sakin kahit wala pong rason. Di po kami makaalis agad kasi pinaplan din po ng lip ko na sa mother nya po ibigay Yong allowance ko kasi si mother nya daw po Yong mag bubudget. Hayysss minsan po napapaisip nalang ako na umuwi nalang sa parents ko dala Yong baby ko. Parang minsan po pinapalala nya pa po Yong postpartum depression ko.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din sitwasyon ko ngayon, ang hirap. Yung mother niya kasi napaka ano sa bahay tipong di naman makalat pero para sknya makalat kahit naman nakapag linis nako, ang hirap gumalaw, nakakahiya at di comportable. May baby kami 5months palang siya. yung partner ko lagi gusto dito sknila minsan gusto ko nalang din umuwi samin pero ang sinasabi sakin " umuwi ka sainyo, iwan mo yung baby" like wtf anak ko to. Dugo't laman ko to tas ipapaiwan niyo dito sainyo ng ganon nalang potek, minsan gusto ko nalang tumakas eh hayst. pa rant din mga mi 😞

Magbasa pa
2y ago

True po. Feeling nila sila lagi tama at dapat nasusunod. Napansin ko dito sa mga mother in law talaga usually nagkakaproblema mga mommies dito.