Baby milestones
Hi mga mamsh. Ask ko lang po if possible ba na di na gumapang si lo, deretso lakad na sya? I know naman na iba iba ang bilis ng development ng lo natin when it comes sa milestones nila pero naccurious lang ako sa first time mom. 8 months na po kasi si lo and hindi pa po sya nakakagapang. Mahilig po syang dumapa, very active naman sya kaso lang po when it comes sa pag gapang, nasstock sya dun sa position na nakalapat ung tummy sa lapag. Kapag hinehelp ko ko sya na iangat yung tummy nya parang naiinis sya at nahhirapan so ang mangyyare magfflip na lang sya pahiga. So if may gusto syang abutin, ang nangyayare paikot ikot lng sya para mareach yun. I tried na din ung activities para mahelp syang mag crawl kaso ayaw nya talaga na naaangat ung tummy nya. Pero when it comes sa standing, ok sya kasi pag nahawak sya sa sides ng play pen nya nakakatayo sya and nakakahakbang na din sya kapag assisted. Hingi lang sana ako ng advice mga ka-mommy. Baka may pwede pa ko magawa to help her or possible na di na sya magcrawl. TIA. ☺️