Pressure sa Milestone ni LO

Hello mga momsh! Gusto ko lang po mag ask if okay lang na hindi pa nakaka upo ng sya lang ang LO ko? 7mons na sya ngayon. Pero nakaka roll over na sya at malikot. Kasi na prepressure po kasi ako kasi meron syang kasabayan actually mas matanda pa sya ng days lang pero nakaka upo na sya. Napag talunan na namin ni hubby yung issue na to na super akong ma pressure sa milestone nya. Kinakabhan kasi ako baka hindi sya matuto umupo gumapang at mag lakad. Kasi madalas gusto nya magpa karga I tried na tiisin syang kargahin pero hindi talaga sya natigil kakaiyak at the end same kami stress ng baby ko. Sabi ng hubby ko okay lang daw yan at mag tiwala ako sa anak ko. Matututunan daw nya yan.nung unang panahon naman daw walang tummy tummy time pero natututo at hinahayaan lang daw natutoto naman daw. ( hindi na po kasi maka tummy time si LO kasi nakakabalik na sya sa pag kakataob. ) gabi gabi ako naiiyak. 🥹🥹🥹 PLEASE ENLIGHTEN ME MGA MOMMIES 🥲 #FTM #firstTime_mom #firsttimemom

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy wag ka mapressure, sabi nga nila bawat baby ay iba, merong mabilis matuto sa mga bagay bagay meron namang hindi ganun kabilis. I think every baby mommy has there own time kung kelan nila matututunan ung mga baby milestones, kalma lang mommy, tsaka iwasan natin icompare yung baby natin sa iba. siguro mommy bigyan mo din ng more play time si baby, floor time din - okay lang na di na sya makatummy time since marunong na sya magroll over, mas madami madidiscover si baby mo pag marami syang floor time.

Magbasa pa

Wag ka na ma stress mih. Yung si LO ko din di pa siya nakaka upo, kaka 7mos lang niya. Nakaka roll over na at gumagapang siya kasi gusto niya abot-abutin mga bagay. Pina-practice ko din siya Kahit saglit na naka upo sa pagitan ng mga hita ko ng di naka hawak. Hindi sa pagmamadali pero gusto ko din ma retain sa kanya na it’s okay na Hindi ko siya hawak. Tsaka mih, para ma obserbahan mo if Kaya na ng likod at ulo niya mag balance ganern.

Magbasa pa

Same sa baby ko mi, mag 7 months na next week pero di pa din umuupo mag isa. Sandaling sandali lang sya uupo mag isa, like sasandal agad sa akin aftee 1-2 seconds.. 😅 Pero okay lang yan, wag tayo ma pressure, ipraktis lang ng ipraktis, pasasaan ba at matututunan din yan ng little one natin 😊 Basta nagiimprove kahit papaano, at hindi naman as in red flag ang signs, antayin natin ang phasing nya, pero tulungan din natin 😊

Magbasa pa
TapFluencer

yess naman miiii. kanya kanya ng milestone ang mga babies natin..wg mo ipressure sarili mo mii trust mo lng ung timing ni baby sa panahong kaya na nya matutunan yon, magugulat kana lang one time sa improvement nya. hindi mo rn kasi pwde naman pilitin na paupuin sya if hindi pa talaga keri ng body ni baby. may natural learning instincts ang mga babies ntn when they can do that. tiwlaa lang miiii.

Magbasa pa

ok lang yan mi, wag po pilitin kung hindi pa kaya, pero practice niyo lang nakaupo sa between your legs. iba iba talaga mga bata. Panganay ko mi matagal din ma reach ang milestones nung baby siya, mataba kasi, hirap siya sa katawan niya. while etong 3rd ko nakakatayo na nung 6 months siya pero payat siya, so naisip ko baka may factor din yung body weight?

Magbasa pa

Trust the timing ng learning curve ng babies. LO ko rin hindi pa kaya umupo. Malikot lang and gumagapang na, but I’m not worried though. Iba iba ang development ng bata Mommy. Wag na wag niyo po icompare ang anak mo sa iba dahil mappressure ka lang talaga to the extent na pati anak mo naapektuhan na. Hayaan mo ung LO mo matutunan ang mga bagay bagay.

Magbasa pa

Baby ko din mi 7 months na sya tom, dpa sya nakakaupo mag isa, nagrorollnover n sya, ska gumagapang sya at sobrang likot. Nagprapraktis padin kami ng pag upo nya. Sana soon makaupo na sya mag isa 😁