❤️❤️

Hi mga mamsh. Ask ko lang kayo kung ilang buwan bago kayo mamili ng mga gamit ni baby ☺️ Sa amin kasi may paniniwala na dapat 7mos bago mamili ng gamit. Kaso excited na kasi ako sa baby boy namin kaya gusto ko na bumili ng gamit nya. 6months preggy pa lang ako.

59 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi momshie. may tips po kami about dyan. watch nyo po ito, baka makatulong din po ito. Hi guys! Sa mga manganganak pa lang at kinakabahan, baka makatulong sa inyo ang aking birth story, presented by my husband. Share lang namin ang aming experiences, detailed safety protocols sa hospital at kung ano mga kailangan pag manganganak na ngayong may pandemic. Pakishare na rin sa iba. Thanks po. 😊 https://youtu.be/NAGOQ0k1Zto #healthprotocols #paanomanganakngayongpandemic

Magbasa pa

okay lang naman kahit maaga, pa konti konti para di sobrang sabay sabay yung gastos kasi syempre need mo rin ng pera pang paanak mo, so kapag may extra naman why not ibili nalang ng gamit ni baby as long as alam mo naman na yung gender ni baby. tsaka mas okay na yung ready ka as parent/s kasi di natin alam baka manganak ka kaagad na wala pa sa oras so at least may magagamit.

Magbasa pa
VIP Member

5 months namili na kami ng kaunting gamit ni baby kahit hindi pa namin alam ang gender niya. Kasagsagan kasi ng lockdown noon at naparanoid kami na baka tumagal pa ang situation. Hindi na namin nasunod ang seven months na kasabihan. Now I am on my 33rd week and almost complete na gamit ni baby. Hospital bag prep na lang.

Magbasa pa
VIP Member

haha mommy ung asawa ko naniniwala jan, hay nko sabhin ko sayo pnilit ko lng sya na mamili kmi kht ung ddalhin lng muna sa hosp. syempre ako ayoko ma hassle buti kung alam nya ggawin nya, sya daw bahala 😆 gusto pa yata nya hintyin ung makapanganak nko para sure na di na mwawala c baby grabe 😆

I started buying at 6 months ung mga baruan muna or ung mga all white stuffs. Tapos nung sure na sa gender tsaka ako namili ng colored, nalabhan ko na din ung mga onesies na binili ko from online ukay 😁. Essentials nalang ang kulang hopefully next month makumpleto na sana. 7 months preggy here

sa panganay ko b4 basta my xtra akong pera bumibili nako. pa unti2 para di mabuhay hangang sa nakompleto ko LahAt bago ako manganak. tpos tinatabi ko Lng ung mga gamit pang baby. ngaun buntis nako ulet sa pangatlo ko un padin mga gamit ko sa panganay ko. naka tipid ako Khit papaano😉❤️

Magbasa pa

Nung malaman ko po gender ni baby nung 5 months palang ako namili na po ako paunti unti wala naman pong masama kung maging handa po 😊 kasi malamang nyan pag 8 months na financial naman pampaanak ung pag iipunan para iwas utang

Me namili ako 6 months esp. yung mga essentials for the baby like mittens, blankets, new born baru baruan etc. coz u’l never know if bigla ka manganak ng di oras (sana wg nmn), atleast prepared kayo sa mga gamit :)

6 months po nung nag start na kaming mamili pero pa konti konti lang muna. Tsaka na namin kinumpleto yung gamit nung mag 8 months na. Malaki rin kasi ang expenses kapag once mo lang bibilhin yung lahat ng gamit.

Ok yan momsh since 6 months ka ng preggy ok na ok na ang mag start mag ipon ng gamit ng baby damihan mi diaper na newborn much better kung sa shoppee or sa lazada ka bibili para mas malaki ang matipid mo.