About kay baby.

Hi mga mamsh. Ano po bang feeling pag gumagalaw si baby? Para kasing di ko pa narramdaman ? 5 mos. and 1 week preggy here po. First time mom.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sobrang masaya pag nararamdaman na po yung movements ni Baby. Minsan sa loob niyo lang maramdaman, parang may hangin lang sa tiyan pero si Baby na po yun. 4 months ko naramdaman si Baby. Ngayon malikot na. Mga 9-11 am nararamdaman ko po siya tapos sa hapon. Di rin madalas nagpapatulog. Kapag naramdaman ko po kahit maliit lang na movement kinakausap ko na kaagad. Tapos mas lumilikot siya. Maramdaman niyo rin po yan. Masyadong behave lang siguro si Baby niyo ๐Ÿ˜€

Magbasa pa
VIP Member

Yung surprise baby namin mamsh..6 months ko na naramdaman.. breastfeeding Kasi ako nun.. Kaya d ko din Alam..Wala ding movements ๐Ÿ˜… nung may naramdaman akong malakas na galaw.. Alam ko talaga baby Yun๐Ÿ˜‚ tapos nag pa ultrasound ako.. akala ko nga 4 months ..6 na pala๐Ÿ˜…๐Ÿ˜ that's my bunso.. turning 2 this Sept..

Magbasa pa

Nakakakilig po pakiramdam pag nararamdaman ko kahit pitik palang ni baby. 15weeks & 3days preggy here. Excited na din ako maramdaman galaw nya pero for now sabi nga po very light palang ang paggalaw pitik pitik palang. Pray lang po tayo lagi mararamdaman din natin movement ni baby :)

VIP Member

Nag start na naramdaman ko nung nitong ika 18 weeks ko na, gentle lang sya pero malikot. Minsan may araw na di ko nararamdaman, tapos magpaparamdam din naman. Sabi kasi ng OB ko baka minsan dun sa sumisipa sa inunanan nya kaya di nararamdaman.

VIP Member

ok lng yan mommy basta pag check up mo healthy naman sb ni ob... bka anterior ang location ng placenta mo?... pag anterior kc since nsa harap sya bandang tyan pag mahihinang movements plng hnd pa gano ramdam^^ nakita q lng sa google^^

Post reply image

Una kong baby ganyan tapos naramdamn ko mga 8 months na pero ung ngaun ko im pregnant 3 months palang ramdam kuna po, basta alaga ka sa check up then sbihin mo din po sa ob mo na hindi mo nararamdmn kick ng baby mo

After mo kumain sis try mo pindut pindutin tyan mo tapos hanapin mo heartbeat nya sa tyan mo pag naramdaman mo okie na un atleast naramdaman mo heartbeat nya or try ko humiga patagilid dun kasi sila minsan mas magalaw

Masaya parang may pumipitik sa tyan mo ako kc sa pus.on ko sia na fefeel tas hinihintay ko na pumitik sia tinitingnan ko tyan ko gumagalaw hehehe ang kulit pla ni baby kahit sa loob pa lng sia ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

ako rin po firstime mom. ๐Ÿ˜Š 20weeks pregnant.. kapag gutom po ako or kumakain na, may nararamdaman akong gumagalaw na parang sumisipa ansaya lang po ๐Ÿ˜Š lalo na po kapag tuwing umaga galaw po ng galaw..

Natatandaan ko nung 1st pregnancy ko 5yrs ago hanggang manganak ako hndi magalaw c baby sa tyan ko pero healthy nmn sya .. basta sa monthly check up nririnig ang heartbeat ok po yun ..