Overthinking

Hello mga mammies. Let me tell you kung gaano ako kaoverthinker. I don't know pero sobrang selosa ko. I do have a lot of insecurities sa katawan. Yung partner ko lumaban as Mr Chip R sa trabaho nila nanalo sila ng partner niya. By that time sobrang nag iisip ako na baka ipagpalit niya ko dun ? Na baka mas maganda,mas sexy yun saken lalo na't buntis ako ? pauki ulit niyang sinasabi saken na hindi niya magagawang lokohin ako o ipagpalit lalo na't mag kakaanak kami. Kanina pagkagaling niya sa trabaho ayos kami. Pero nung sinimulan niyang sabihin na may price pa daw pa lang 500 cash nung nanalo sila sinabihan daw siya nung partner niya. Nag isip na naman ako ng kung ano. Na bakit kailangan pa siyang puntahan nung babae eh magkaiba naman sila ng process( btw electronics partner ko) kaya sabi ko bakit nagkikita ba sila. Hanggang sa nagalit na siya kase bakit daw ako ganon mag isip ? Up until pumasok ulit siya ngayon ni hindi man lang ako pinansin bago pumasok dire diretso lang siya. Parang walang pakialam pero huli niyang sinabi sino daw matutuwa kung pagod ka galing trabaho tapos pag iisipan ko pa siya ng kung ano ? I feel guilt pero di man lang niya naisip na pagod na pagod na kong maging ganito mag isip? na hrap na hirap na rin ako. Any advice mga mamsh???

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

okay lang po yan sis!! ganyan din ako ngayon. nagsimula lang nung nabuntis ako di akalain ng bf ko na grabe pala pagiging selosa ko and syempre di ko din akalain. pinagseselosan ko pati ex nya and girl friends nya eh kasi ang gaganda nila tapos ako to masyadong insekyora pangit na pangit na sa sarili. palagi ko pinagccompare sarili ko and ex ng bf ko until now na manganganak na ko and minsan pag nagsscroll sya sa newsfeed nya thru fb nilalagpasan nya yung pictures ng ibang babae lalo na yung mga nakabikini lang. buti nga di rin sya pala-like ng pictures ng ibang babae eh dati kasi before pa ko mabuntis sinabihan ko sya na susunugin ko sya pag niloko nya ko hahahaha joke lang naman yon pero buti nalang takot sya and lagi nya rin ako sinasabihan na never nya ako lolokohin, kami ng baby namin. lalo na 3 na kaming babae sa buhay nya (mom nya, ako and si baby) hormones lang yan sis mababawasan din yan paunti unti. try ko lang iignore minsan naiisip mo :)

Magbasa pa