His Family

Hi I just wanna share what I feel right now. I am 7 months pregnant. Please tell me what to do, kase yung family ni partner lahat walang trabaho nandon lahat nagsiuwian sa probinsya nila. Sya na lang ang may trabaho so sa kanya umaasa ang family nya. Tapos yung kuya nya pa panay chat na padalhan sya kesyo need ng ganito, need ng ganyan at wala na daw sya pera. Maiintindihan ko naman sana kung minsan lang sa isang buwan kaso hindi eh kada sahod hihingi sila. Parang di nila naisip na may pamilya na sya dito na kelangan nya ring buhayin. Hindi ko naman masabihan si partner kase baka isipin nya masyado akong gahaman, tsaka hindi naman yun nakikinig sa akin. Hays. Tell me what to do.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nako sis, for me dapat meron din tayo sariling source of income kahit hindi yun yung major na bumubuhay satin pero kahit papano nakakatulong lalo na sa ganyang situation. Kung kaya mo pa, kahit online selling or kahit anong mapagkukunan ng income. Mahirap din kasi iasa sa partner mo lahat lalo na may responsibility din siya sa family niya. Yung responsibility niya kasi sayo is yung baby. Hangga’t hindi kayo kasal or even if kasal na kayo, mas maganda na financially independent tayo lalo na kung di naman niya matatalikuran yung responsibility niya sa family.

Magbasa pa