Hinala na nagloloko si Mister

Mga miie pa advice naman, bale po yung mister ko nag umpisang pumasok sa trabaho na pag gugulay. Madaling araw po pasok niya mga 2 minsan 3. Pero netong mga nakaraang buwan napapansin ko, panay na pag aayos niya tuwing lalabas mag papabango tapos mag bibihis pa ulit kahit kakaligo lang ng gabi. Tapos yung boss niya palagi ng tumatawag tuwing madaling araw na pumapasok na siya. Kahapon tumawag ng hapon boss niya (babae po boss niya), tapos mga 5 minutes sila nag usap bale naliligo ako, tapos tsaka niya pinatay nung tapos na ako maligo parang ayaw ipa rinig. Tapos bigla niyang sinabi saken mga 1 daw siya papasok kase pagod daw boss niya baka tanghaliin daw pumasok, pumasok na siya ng 1 bale ineexpect ko na tatawag yung boss niya ng 2 ganun sasabihin niyang pumasok na siya, wala kaseng cellphone asawa ko. Pero ngayon walang tawag yung boss niya, tapos maaga siyang pumasok. Kinakabahan lang ako kase baka may ibang nangyayari, kase madaling araw yun at wala namang mga tao sa bayan pag ganung oras.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

try mo hulihin or sundan mi kasi pag ganyang mga sensyales kung ako sayo susundan ko talaga e HAHAHA kaso sakin tamang hinala lang at wala namang mga signs kaya di ko magawa. hindi para lalo kitang ipag overthink mi pero try mo lang naman. kadalasan kasi talaga tama yung instint natin

1mo ago

Kahit gusto kong sundan mi hindi ko magawa kase baby pa anak namin walang kasama. Andami kong duda sakanya hindi ko alam kung praning lang ako, kanina lang nakita kong magkasama sila ng kapatid niya sa cr ate niya actually. Hindi ako nagsalita dahil ayoko ng away pero kinakabahan ako mi.