12 weeks na tyan ko Bakit ang laki na agad

Hello mga mammies ask lng ako 12 weeks na ako bukas Bakit Malaki tyan ko pangatlo Kona itong baby Hindi Kaya Ito twin's kc SA IBA pag 12 weeks maliit pah🥺🥺🥺

12 weeks na tyan ko Bakit ang laki na agad
25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Kung pangatlo mo na pong baby yan, well normal naman po na mas halata na ang tyan kasi yung abdominal muscles po natin pag nanaganak na di na bumabalik yun sa dati nyang "fit" size nung dalaga ka pa. Minsan po dahil din bloated po mga ganyang weeks kasi yung may bloatedness din. kung nagtataka ka talaga pwede ka naman po magpaultrasound Sis.

Magbasa pa

meron po talagang malaki magbuntis mii ako din po ganyan malaki po magbuntis 31 weeks and 5days npo ako ngayon. kambal tubig po yan ibig sabihin hehe. pero para makasigurado po kayo better na pa check up po kayo , or pa ultrasound po ☺️

VIP Member

sken poh 15weeks...malaki dn ung belly ko 😅 kasama na ata ang bilbil 😅..sabi kc ni ob c baby dw nsa bandang baba ng tyan,,taas ng pempem...kaya nttawa dn ako parang 6months na tyan ko

mami normal lng po yan.. ganyn din ako 12weeks na tummy ko going to 13weeks pero hindi twin nasa tummy ko..baka s mga kinakain kasi ntn kaya bigla laki.. nkakalaki rin mga kinakain ntn.

ung churchmate ko malaki tlga tummy kya 5 months na pala syang preggy tsaka nya lng nalaman. pang 4th baby nya na un. after manganak malaki p rin tyan kya napapagkamalang buntis

same. naexpand na kase ang tyan ko since pangatlo na rin to kaya kahit 12weeks eh malaki sya tignan minsan naman naliit sya lalo na pag kakagising lang.

mas better pa check up ka mi or pa TVS na kasi masyado malaki tyan mo sa 12weeks ako kc 16weeks na pero maliit pa baby bump

ultrasound is the key po. para malaman nyo kung twins ba or sadyang malaki ka lang magbuntis plus yung bilbil if meron.

magpacheckup ka. 12 weeks na pala yan pero di mo pa rin alam kung kambal o ano. hindi kami manghuhula. :)

ganun din ako mumsh kahit ngayon anlaki ng tiyan ko pang 9 mos na pero kaka 8 mos ko pa this month hehe