Please help 🥺 bakit malakas isuka ni baby milk nya as in pati ilong lumabas maraming milk

Mga mami ano ano po ba nga bawal gawin para hindi nya isuka milk nya. Minsan kasi habang nadede nag poop then di sya mapakali sa diaper nya kaya need ko sya ihiga para mapalitan na kaya lang sumuka ng marami. Pano ba dapat itiisin ko ba discomfort nya until pede na humiga? Second is one time habang nadede an likot nya kasi kaya hinehele ko gamit tuhod ko sway sway lang ng konti kumalma sya. Then pagkaubos ng milk gising parin sya pero antok na kaya hinele ko. Wala pa 1min sumuka nanaman ng sobrang dami pati sa ilong marami di ako mapakali feeling kk wala ko kwentang ina 😥 Paano po ba dapat. Please recognize me.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Baby ko po, nagsusuka din noon. kapag po nalabas na pati sa ilong ang gatas ay overfeed na po siya. Wag niyo po ipa-ubos nang isang straight ang milk niya. halimbawa kung 4oz po tinimpla niyo ay ipadede niyo po muna ang 2oz then pa burp niyo po kapag na-burp na po siya saka niyo po ipadede ulit ang another 2oz then burp po ulit. kung di po magburp, wait lang kayo 20-30 mins. bago ihiga si baby para bumaba yung nadede niya. Kung di pa din po mag work ay consult your pedia po baka kasi si siya hiyang sa gatas. pinalitan po nang lactose free ang milk nang lo ko kasi nasuka siya.. ngaun okie na si baby.

Magbasa pa

Iprioritize mo po yung pagpapaburp bago mo palitan ng diaper. Nagkaganyan din baby ko before mag 1mo. Lungad din sa ilong madami, panic kami kasi di na makahinga at bumubula na bibig nya kakaiyak. Nagpunta kami ER pagdating namin dun ok na si baby. Sabi pedia overfed daw saka nga di napaburp ng maayos. Make sure daw na nagburp na si baby before ihiga. Tyagain daw. Minsan daw inaabot talaga 30min to 1hr. Hope makahelp. God bless

Magbasa pa
2y ago

noted mii thankyouu 🥰 but ano po what if kakatapos lang dumede and papa burp ko naba agad or palipad muna ko konti na bumaba ininom nya bago ko paburp. nag lukungad parin po kasi pag right after feeding ko pina burp pero konti lang

Ganyan din baby ko mi nung mag 1month pa lang sya. Sabi ng pedia nya normal lang daw ang maglungad pero nakakabahala po kasi lalo na sa ilong nalabas. Overfeed daw po pag sa ilong na lumabas. Kaya ginawa po 1oz lang yung pinapadede po formula po kame. And after magdede wait daw po muna ng 5 to 10mins bago i burp. Or if ayaw mag burp atleast 20 to 30mins daw po bago ihiga. Ilan mos na po ba baby nyo and nakaka ilan oz na po?

Magbasa pa
2y ago

Baka po di nya pa kaya yung 4oz mi kaya nalabas sa ilong. Yung baby ko po 2mos 4oz din tapos ganyan din po nalabas sa ilong nung binawasan ko ginawa ko 3oz hindi na po nalabas sa ilong. Tapos 2 to 3hours po yung feeding intervals nya. Minsan po kahit umiiyak si baby hindi po ibig sabihin gutom sya lalo na if kakadede lang po wala pang 2 to 3hours nakalilipas. Isayaw nyo lang po or mas okay if pacifier po. Para di nyo po ma overfeeding. Kwawa po si baby nyo if lagi nalabas sa ilong yung milk baka po kasi sa baga mapunta yung milk.

elevated ang ulo lagi.. at orasan ang pagpapadede.. kasi baka naooverfeed kung bottlefeeding sya. then always paburp dapat. wag ihihiga agad kahit dumumi pa sya. burp muna. may diaper naman na pangsalo. prioritization lang.. lahit naman po di baby kung ialog alog po habang nakain, masusuka..

after dede po steady lang po sa last feeding position. wag po muna gagalawin o aalugin si baby kahit mga 5 mins. then after po mga 5 mins paburp mo na po. wait po 15-30 mins na magburp bago po ipahiga. ganyan po ginagawa ko sa baby ko nung 1-2 months po na lagi din lumulungad.

VIP Member

Na try ko rin po yan, kaya bago ko pa dede si baby double check ko diapers and chanhe ko muna if puno bago pa dede.. And halfway sa dede papa burp and if tagala mag burp up right na lng muna fo 15-30 mins.. D ko na po masyado inaalog kasi for sure lulungad po.

ganyan din baby ko nung newborn. takot na takot ako kasi pati sa ilong nasuka sya. kaya ang gnawa ko bantay ako sa oras ng pag dede nya.. and i see to it na di sya maooverfeed, pinapaburp ko din sya, then after burp wait muna ako 30-40 mins bago sya ihiga..

Kung ilang beses mo pinapadese si baby, ganun din ung beses na ipapaburp mo siya. Saka wag mong aalugin si baby habang dumedede talagang magsusuka yan. Possible pang pumasok sa baga o utak niya ung gatas pag di mo binago ung routine ng pagpapadede mo

tyagaan mo lang ang pag papaburp minsan matagal sila mag burp tapos after nila mag burp need mo pa maghintay ng ilang minutes bago sila ihiga. Tyaga lang mommy, enjoy mo nalang newborn stage napakabilis lang. hindi mo mamalayan lumalaki na si baby.

Same kay bb ko mii, kaya bago magdede, palit muna ng diaper and damit. If in the middle of feeding naman nag poop, wait lang ako mga 5 mins tapos naka elevate yun head nya pag binaba ko, mabilisan yun mii. hehe. Then saka ko na paburp agad

2y ago

noted mii salamat sa tip ❤️