Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Team November
Milk allergy
Hi mga Ma, si baby ko kasi pag nasobrahan sa formula milk, nagkakarashes sa face. History nya is, bonna nung newborn since ECS ako, pinalitan ni pedia ng Similac Tummicare kasi may halak sya kahit walang ubo (sign daw po ng allergy, 1month old). Dahil dun, pinush ko na mag breastfeed medyo pricey kasi formula, at medyo basa din sya magpoop dun. Then, nung nag 6 months nag try ako enfamil (nagrashes sa face), so pure bf nanaman. Until 13 months, pediasure 1-3, basa ang poops. Tapos ngayon Nido Jr na, 1 month na mahigit, okay naman lahat, kaso today may lumabas nanaman rashes after milk, mixed feeding sya since working ako. May same case po ba dito? Ano po ma advice nyo, at san po kaya makakapa test if anong allergy meron sya? Thank you
FEEDING TIME
Mga mii, help. Na-stress ako sa situation namin ni LO. Since natuto kasi sya mag thumbsuck, naging kagawian na nya. Pure breastfeed kami, tuloy madalang nalang mag-latch si baby sa akin, mas gusto nya yun fingers nya, to the point na ayaw na nya dumede kapag ino-offer ko yun breast ko. 5 months si LO ko. Mag-ask din ako sa pedia nya sa check up. 😅😩😭
BATH TIME NI BABY
Okay lang po ba i-half bath si baby ng hapon, mga 5pm to be specific, bimpo kasi ginagawa ko before at 6pm pag need nya na magprepare before sleep time. Ngayon kasi super init tapos pawisin si LO. Any tips and suggestions mga mommy, thank youu #firsttiimemom
SSS MAT BEN
Mga mii, ask ko lang, anong format pag upload nyo nung birth cert nung nag file kayo online sa sss, pdf ba or jpeg? Sa Camscanner kasi ako nagscan. Nireject ni SSS. Help naman hehe. Thank youu
November bb
Fully dilated 10 cm. Di nakapwesto si baby sa baba. Short cord. Pumutok panubigan. Ending E-CS uwu. Love u baby, pagaling tayo ni mommy. Safe delivery sa mga di pa nakaanak na momsh hehe.
Preparation
Mga mommy, sa palagay nyo po ba need ko pa magpatagtag pag 37 weeks na ko? If advised sakin is bawal mapagod and no contact, naka duphaston and pamparelax ako ng matres since 31 weeks dahil nakaramdam ako ng hilab non. 34 weeks na ako ngayon. Next check up ko is Nov 17 pa.
Baby girl names
Mga mii, malapit lapit na din po sa November. Wala pa po kami napagkasunduan na name ni hubby hahaha, pero may choices naman na for bb girl Khalie Isabel Khalie Unika May suggestion pa kayo mga mii? Balak ko talaga isa lang first name nya para di mahaba. Haha. Thankie.