BORING NA
Mga kapwa ko buntis ano mga pinagkakaabalahan niyo sa buhay? Naboboring kasi ako 6 months pregnant now. Nakatira kami ni hubby malayo sa mga pamilya namin, wala rin akong mga kakilala at kaibigan dito at taong bahay lang ako ganun din si hubby. Madalas siyang naglalaro ng games sa computer at kuntento na siya sa libangan na yun. Siya lang ang nakakausap ko araw araw o kaya yung mga tauhan namin. Bored na bored na ako, sinubukan ko na rin magluto,magbake,magbasa,magtanim at sawa na ako puro cellphone hawak ko maghapon para maaliw ako. Internet lang pinakalibangan ko at tv.Napakalayo namin sa siyudad,walang mga mall o sine dito. Walang mga mapapasyalan na park at kung may mapupuntahan namang tourist spot e malalayo din, magbabangka pa papuntang mga isla o kaya extreme sports like hiking na di naman advisable sa buntis. Suggest naman kayo ng mga pwedeng pagkaabalahan ng buntis na gaya ko at nang hindi ako parang mababaliw dito sa bahay .Thank yooouuu ?
Mom Of Three Lil Monsters