Puyat (33 weeks pregnant)
Masama po ba na araw araw puyat? madalas kasi 5-6 am na ko nakakatulog e. pero once naman na makatulog ako 11 am na ko nagigising then hapon tutulog din ako hanggang 6:30 pm. Puro ata tulog ako sa umaga at hapon, gabi hanggang madaling araw lang gising. Buti mabait yung parents ng partner ko kasi ganun lagi ako. Tanging natutulong ko lang sa bahay is paghugas ng pinggan. Masyadong maselan kasi pagbubuntis ko, kaya simula din na nabuntis ako nak LOA na ko sa work. Medyo nakakaboring na rin sa bahay, kasi wala ka talagang ginagawa kundi mag internet, di rin naman ako masyado makalabas kasi wala ako kakilala.