Inquiries about maternity package
Hello mga ka TAP. Ganito ba talaga ang practice sa lying in na pag mag iinquire ka ng maternity package nila or services nila kailangan mo muna magpatingin sa kanila bago nila idisclose yung presyo? Andami ko na kasi napag tanungan na clinic. Yung iba sumasagot naman, yung iba andami pasakalye. Dagdag ko pa, may isa rin akong clinic na napagtanungan na di raw pwede gamitin ang philhealth pag first born? Dapat ba ako magduda or normal na practice lang yun?