Normal bang iba ang presyo sa lying in pag first baby?
Hello! I'm a first-time soon-to-be mom kaya skeptical ako sa mga bagay when it comes dito and since pandemic din medyo need ko maging wise sa paggastos. Meron kasi akong napag inquire-an na lying in clinic somewhere in Taguig (I won't mention the name nalang) and unang tanong ko kung magkano yung normal nila (both natural and painless) which obviously magkaiba ang price since yung sa painless usually, based sa naresearch ko and please correct me if I'm wrong, doctor ang gumagawa. So bago nya ibigay yung presyo sakin ng painless, tinanong nya kung pang ilan ko na baby then sinabi kong una. Tapos tsaka sya naglatag ng presyo. Reasonable naman yung price nila (kasi di nalalayo dun sa ibang clinic na natanungan ko) pero ang weird lang kasi nung tinatanong ko kung ano ano kasama dun sa package na yun di nya ako masagot. Question ko lang kasi tama ba yun na hindi nila idisclose agad yung presyo just because bago lang akong mommy? I would understand naman na pwede madagdagan yun dipende sa mga mangyayari pero atleast yung basic man lang sana nabanggit nila or dapat na ako mag isip na maghanap ng iba kasi baka perahan/pineperahan lang ako? #1stimemom #firstbaby #LyingInClinic
Kayin Aishi's Nanay to beโค๏ธ