10k budget

Hello mga ka nanay. Ano po bang mga pagkain na pwedeng ihanda na 10k lang ang budget para sa 1st birthday? Sobrang nakakastress talaga yung mga kamag-anak mo na kesyo hindi daw kakasya dapat dagdagan, hindi nila naisip na sobrang hirap ng buhay ngayong pandemic. Nakakalungkot na imbes na sana sila makakaintindi ng sitwasyon gusto pa nila bonggahan, eh kami nga na mga magulang okay lang sa simpleng handaan. Okay lang naman yun diba mga ka nanay? Sobrang nakakastress sila. Feeling ko tuloy hindi ako mabuting ina kasi hindi ko mapaghanda ang anak ko ng bongga. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Bili ka ng mga designs sa shopee at firework candle, P500 lang meron ka na happy birthday at sabit2 na balloons at un backdrop na metallic curtain. Then buy a cheap cake sa mga cake shops ilagay mo un firework candle. Sa food, pansit 2 malaki bilao worth 1.5K un kung ikaw magluluto madami pa toppings. Then bili ka 3 kilo ng chicken wings, P560 fry mo po. Hotdog on stick isang pack P185 with marshmallow sa dulo P30. Shanghai mommy, 1/2kilo pork giniling P160 tapos ikaw na magminced ng mga sibuyas, carrots etc plus pambalot isang buo P50. Kung gusto mo momsh dagdagan mo giniling 1kilo na un half nun magagawa mo gawin mo embutido. Pwede ka din mag coffee jelly, 3 pack ng mr gulaman P25 isa na white tapos coffee black at 3 all purpose cream at 3 lata condensada. Napakadami na po nagagawa niyan. Madami pa sobra mommy, pwede ka pa magdagdag diyan. Para makatipid, maganda ikaw talaga magluluto2 at prepare. Sa birthdays ng mga anak ko, ako lahat nagluluto at nagbebake ng cake nila bumibili lang ako toppers sa shopee. Kung gusto mo may pacupcake ka, bili ka wattatops tapos bili ka ng topper sa shopee na itutusok mo sa taas ng cupcake. Sossy na!

Magbasa pa