10k budget

Hello mga ka nanay. Ano po bang mga pagkain na pwedeng ihanda na 10k lang ang budget para sa 1st birthday? Sobrang nakakastress talaga yung mga kamag-anak mo na kesyo hindi daw kakasya dapat dagdagan, hindi nila naisip na sobrang hirap ng buhay ngayong pandemic. Nakakalungkot na imbes na sana sila makakaintindi ng sitwasyon gusto pa nila bonggahan, eh kami nga na mga magulang okay lang sa simpleng handaan. Okay lang naman yun diba mga ka nanay? Sobrang nakakastress sila. Feeling ko tuloy hindi ako mabuting ina kasi hindi ko mapaghanda ang anak ko ng bongga. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag muna intindihin ang nga tao sa paligid mo mommy , kung ano ang kaya yun lmang po practical na po ngayon... simply lng ok nayan mommy basta mahalaga is yung pagmamahal natin kai baby.... Wag mag isip na hindi tayo mabuting ina kc hindi bonga ang birthday β€οΈπŸ˜˜πŸ€—