Rashes

Mga ka-nanay alam niyo po ba if ano ito? Parang rashes pero makapal ng konti ang pantal. Tapos kumakalat sya. Una parang kagat lang ng insect tas naging ganyan na.. Sana matulungan niyo ako. Salamats.

Rashes
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

rashes yan sis... yong sa baby ko calmoseptine ginamot ko ilang days din tapos palit ng diaper kasi sa diaper nagkarashes hindi n hiyang. so far ok n ngayon hindi n nagkaganyan baby ko. once may pula check ko agad if kung ano lagay ng ointment agad pag hindi nwala need pacheck up sa pedia.... mas mabuti ng inaagapan kesa pag malalaya n doon lang gagamutin... natuto na ako kawawa baby pag may rashes.

Magbasa pa
5y ago

Opo calmoseptine saglit lng po yn mwawala.

momshie if ng poop or ihi po si baby eh kailangan linisan po nang maayos and patuyuin ng maigi. pwede po wet cotton balls ang unang ipahid then wet wipes na po pra totally mapahiran ng maayos. check niyo din po ang diaper ni baby from time to time.kung may poop palit agad.kung puno na kahit di pa umabot ng ilang oras palitan din po agad.

Magbasa pa

Try niyo po kaya ang In A Rash cream at rice powder combo ng Tiny Buds? 100% organic ang products nila. Tried and tested ko sa sarili ko ang In A Rash nila e kasi may kati kati rin ako mismo katawan.

Momsh, kung gumagamit ka ng wipes. Panglinis ng pwet nya. Dapat iwasan mo. Mas advisable ang cotton na may tubig. Ganyan din si baby noon. So ngayon Di sya nag rashes.

Mommy try nyo po miconozole super effective po, nagka ganyan din baby ko pero nawala nong ginamot namin ng miconozole cream resita ng pedia. Try molang momsh

5y ago

Antifungal po yung cream na yan mommy.. Kaya kailangan po ng reseta.. Mas advisable po ipacheck niyo po muna sa pedia si baby.. May online consultations naman po.. Para mabigyan kayo ng proper medication..

Super Mum

Pwede po kayo magpaschedule ng online consultation sa pedia.. Or you can contact your pedia po.. Para mas sure po na tamang gamot po yung mabibigay kay baby

VIP Member

wag nyo muna i diaper maghapon. si bunso ko yung pakalinya ng diaper andami bungang araw kaya ngayon pang 3 days na nya walang diaper tuwing gabi na lang

Gamit ka cotton na my tubig.wag baby wipes ipunas mo.at bka hnd hiyang c baby ng diaper at wag patagalan ang diaper dpat mga apat hrs palit kna

5y ago

Ay kya pla sis,,, nka2rashes tlga ang wipes kc sa alcohol nya,, ga2ling na yan c baby kc water at cotton n gamit mu...God bless.

sakin po petrolium lang ginamot ko sa rash ng baby ko . tas di ko po pinag didiaper sa umaga . sa gabi ko lang sya nilalagyan

Mas maganda po siguro moms kung pedie mismo ang magbibigay ng mga dapat ilagay sa skin ni baby mo... Para mas safe po