Praning Si Mommy
Mga ka mommy.. Naranasan niyo po ba ang Pagka praning sa anak" yung Kung anu2 iniisip mo baka ganito ganyan.. Baka mahawaan ng sakit etc. Ako po para akong mababaliw pag may nalaman lang po akong namatay na baby nag aalala na ako. Kung anu2 na po iniisip ko. Kayo po ba ay nakaranas din mga mommy
Nung sa 1st born ko yes sobrang naranasan ko yung worried talaga ako once na may nabalitaan ako na namatay siya dahil sa na dehydrate yung bata sa mga nadengue, or whate si baby ko kasi di siya mahilig magiinom ng water since last year smis sobrang init at madami ako nabalitaan na nadehydrate tapos si baby na mgka uti naman siya din sobrang smworry ko di ako makadmtulog unti mo pag hinga niya chinecheck ko . Nakakaloka. Pero ngayun medyo na overcome kona sakya yun pero still nandun pa yung ganon worry ko lalo meron din ako ngayung 1 and a half months baby😣 so sana di nako maging ganong ka worry just like before na sobrang oa na ata😁
Magbasa paSuper po nun buntis. Especially na may history po ako ng miscarriage. Bawat kibot at may di magandang nararamdaman, visit OB agad. And nauubos ang time ko sa google na wala namang nagawang mabuti saken kundi lalo lang mapraning😅 Ngayon namang nakapanganak na, lahat nalang ng nakikita ko sa baby ko na parang di normal, visit pedia agad. Di bale na gumastos ako sa check up nya kesa naman sa di ako makatulog kakaisip. Napapagalitan na ako ni hubby kasi napaka negative ko daw at nag aatract daw ako ng negative energy. Pero di ko talaga maiwasan eh. Now, Im trying to control myself and just keep praying and believing that All is Well.
Magbasa paSame here mommy, lalo kung my ngpopost dito na namatayan ng baby sa loob ng tyan while preggy and hindi kumpleto ang info like cause of death, kung ano nramdaman nila before the incident and kung my underlying disease ba nkacontribute sa nangyari etc for our awareness din po sana lara maprevent din natin. Tapos lalo pag same kayo ng age of gestation. Pero sympre we feel sorry for them, and we understand. Pray lang po tayo lagi. God is good😊
Magbasa paSame here momsh. 26 weeks pregnant. As in naiiyak pa ko pag may nababasa or nalalaman ako na nagkamiscarriage yung iba. Then araw araw nagwworry ako pag di nagalaw si baby. Kasi di ko talaga sya palagi nararamdaman. Sinabi ko na din yan kay ob, nung inultrasound naman ako, okay naman si baby. Malikot nga sya pag nakikita ko sa monitor. Hays. Part of pregnancy and motherhood talaga.
Magbasa paYung baby ko nung bagong labas as in hindi ako basta makatulog feeling koy kung mapapano si baby pag hindi ko siya nakikita. Tapos pag super yung lungad niya na parang suka na sa dami naiiyak talaga ako. Yung takot na takot akong magkasakit siya. Pero ngayon ok na naaccept ko na hindi pwedeng ganun lagi iisipin ko at dadating talaga sa point na lalagnatin siya.
Magbasa paNormal lang momsh. Nung bagong panganak din po ako nun praning din ako. Lalo na may nabasa ako sa sudden infant death syndrome. Kaya noon magiging na lang ako every night to check if my baby was still breathing, kung nadaganan ko ba, kung natakpan ba sya ng kumot at kung anu ano pa. Dagdag pa na nasa obang lugar nagtatrabaho daddy nya😔
Magbasa paAko din po, praning na kung praning pero natatakot ako. 1st baby kopatung binubuntis ko ngayun. Huhu. Kung may pera lang ako magpapacheck ako everyweek . Kaso wala e kaya pray nalang ako. Natatakot na talaga ako, dito din smin namatay anak nya ,manganganak na sana sya next week pro namatay ,di ko lang alam kung bakit. Takot nako 😢
Magbasa paSis my libre nmn check up sa mga center or public hospitals.
Hehe uo sometimes kung ano ano nlng nasa isip.... Naranasan ko now sa baby ko hehe gusto mo lang kasi yung best,safe tska protected ang anqk mo. 😄 always pray lang po tayo mga momsh .
Yes normal na ata yan sa mga mommy kasi dugo natin anak natin, OA na nga ko paranoid na kung paranoid nalaman ko may nagkapolio ngayon nakakatakot baka anak mo magkasakit nun
Ako din po mamsh, kung ano2x iniisip ngayun buntis ako.. Baka di normal si baby.. Baka may mga abnormalities..mga ganun.. Para akong praning.. Pero sana maging normal at healthy naman
Nurturer of 1 rambunctious magician