Praning Si Mommy

Mga ka mommy.. Naranasan niyo po ba ang Pagka praning sa anak" yung Kung anu2 iniisip mo baka ganito ganyan.. Baka mahawaan ng sakit etc. Ako po para akong mababaliw pag may nalaman lang po akong namatay na baby nag aalala na ako. Kung anu2 na po iniisip ko. Kayo po ba ay nakaranas din mga mommy

53 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nakakaparanoid talaga kapag me mga post na ganyan like sa outbreak, be vigilant na lang po and make sure na updated bakuna ni baby para maliit ang chance na mahawa sya ng virus.

ganun yata talaga pag mommy kn,nakakaiyak kapag naiisip mo ung mga bagay na baka makasakit sa kanya.trabaho yata talaga natin magworry lagi para sa safety nila.

Ako napapraning nun hindi ko pa nkikita ang CAS ni baby.. Praning ako sa mga naiisip ko na bka my kulang o sobra ky baby o kya abnormal.hehe pero ngayun okay na

Ang OA talaga nateng mga nanay, kaya nagtataka ako pano nagagawa ng iba na pabayaan ang mga anak na kahit maliliit pa eh iniiwan na lang sa kalsada.

Ako din. Sobrang paranoid. Lalo lately ung nabasa ko na namatay dahil nachoke sa muffin ung baby. Halos ayaw ko na pakainin anak ko dahil sa takot.

ako rin minsan, tapos pag naisip ko, di ko alam ggawin.. sobrang naiiyak ako tho healthy nman si baby... nababahala lang ako minsan pag naisip ko.. 😞

Same sis.. kaya ginagawa ko todo pray ako ayoko kasi may mangyaring ndi mgnda ke baby nakakapraning, iba pala pakiramdam pag magiging nanay kna.

VIP Member

Natural po siguro talaga sa nanay ang paranoid sa baby natin. We want the best for our kids kasi. Atleast po love mo ang baby mo. 🙂❤

5y ago

Opo. Wala ng mas mahalaga satin kundi ang ating anak sila ang buhay natin

VIP Member

Yes sis ganyan din ako. Lalo na ngayon na bumalik yung polio virus. Lagi ko pinagppray na sana di magkasakit si baby. 😇

Yes mommy ako rin. Un 1st child ko nahulog sa push cart dhl super likot, next thing we know nsa hosp km pra mag pa ctscan