Badly need advice

Hi mga ka-mommies! Ask ko lang po. Tama bang lumayo muna kami sa isa't isa ng partner ko. Yung hindi muna kami magsasama sa iisang bubong. Kasi minsan hindi na maganda nasasabi namin sa isa't-isa. May times na ilang araw din naming natitiis na matulog na pareho kaming may sama ng loob. Btw, may anak na po kaming isa. Live in partner lang po kami. Please no hate, no time for judgemental people. Advice lang po need ko. Mabigat na kasi sa loob. Salamat po sa sasagot.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Momsh mukang pareho niyo po pinapairal pride niyo. Dapat po ganito mentality niyo o itry niyo po na ganito: Ang bagay ba na pinag-aawayan niyo ay makakaapekto sa samahan niyo sa mga susunod na taon? Kung hindi ay dapat hindi pag-awayan o habaan ang pasensya kesa pagtalunan na kapag naging ok din naman ay magkasama padin kayo. Maliban na lang po kung malalim ang pinaghuhugutan ng away niyo. Dapat po mag-usap kayo ng heart to heart. Makinig sa sasabihin ng bawat isa na hindi agad magagalit. Makinig bago mag-react.

Magbasa pa

If hindi na talaga madadaan sa usapan, better nga siguro if you give each other space muna. Pero careful din kasi baka instead time to reflect about gusto nyo talagang maging path ng relationship nyo baka mauwi naman sa feeling na you're both better off alone and eventually mauwi sa hiwalayan. Sa relationship you always have to be the bigger person, kapag si partner hirap kontrolin emotions and patience nya, ikaw ang magparaya then dapat ganon din sya sa mga weakness mo, give and take plus compromise talaga.

Magbasa pa
VIP Member

pgusapan nyo po. depende kasi din un sa tatag ng relasyon nyo. mgandang mgkaspace sa isat isa pero pwede dn mgcause ng permanent breakup if ndi muna nsettle mga ndi pgkakaintindihan.

Depende po sa pag uusap nyo pero kung paulit ulit nalang mas maganda nga yung lumayo muna kayo sa isat isa para makapag isip kayo pareho

Up

Up

Related Articles