stay together or let go

mga inays, ano pipiliin niyo stay together or let go. ang sitwasyon po kasi ganito, si hubby nde nkatira dito samin, doon sya sa mama nya sa province. umuuwi lang sya dito pag nabudgetan ko ng pamasahe. dati kaming sa abroad nakatira pero dahil nagbuntis ako at tapos na kontrata nya umuwi kami sa pilipinas. nagbibigay lang sya pag meron, pag wala pasensya. pag nandito pa sya, nagagalit lang un bigla kahit walang rason tapos pagsasalitaan ako ng masakit. meron pang mga instances na tinethreat nya ako. one time napagsalitaan na nya ako na tinitiis lang daw ako at hindi naman nya ako mahal. mula nagbuntis ako hanggang ngayon na nanganak ako, ko lang nagaalaga sa baby namin, at gumagastos. pag medyo kapos ako magulang ko ang nagaabot ng tulong financial. sinabihan ko na siya ng hinanakit ko at kung anong dapat na gawin namin para sa anak namin, pero ang sagot lang sakin pagusapan natin sa susunod, isang taon na syang hindi umuuwi dito dahil hindi ko na sya pinapamasahihan. kung kayo nasa kalagayan ko would you choose to stay?

90 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

di ko alam bakit mag mga ganyan tao na walang konsensya kahit sa anak nila. sarap mga ibitin ng patiwarik. Same situation here. buntis ako, nilayasan at iniwan ako mag-isa sa bahay. nanganak ako pero hindi nagpakita ung magaling na tatay ng anak ko. buti pa ung kapatid nagpakita sa ospital. pero ung tatay nya, ayun nasa travel bisyo niya. Yun pala ung walang kakayahan daw magsupport pero maya't maya ang gala. hindi naman kaya pagsabihan ng magulang at mas takot pa magulang nya sakanya. Kaya ayon, hinayaan ko na siya kahit binabaliktad pa ako sa mga kakilala niya na sinasabi nyang binibigay naman daw nya lahat sa anak nya kahit ni singkong duling ay wala sya naiabot sakin. Iwowomen's desk ko nalang siya para kulong nalang ang kabayaran sa mga ginawa niya samin mag-ina. ayoko na ng sustento sustento. mas ghsto ko na ng kulong.

Magbasa pa