My 6 days old baby boy ❣️

Mga breastfeed mom! Mix feed po kasi ako. Pero mas madalas dumede sakin si lo. Lalo na sa gabi hindi siya nakakatulog ng hindi nakasuso sakin. Gusto niya ganon lng hanggang magdamag. Halos di nga po ako nakakatulog kasi nadede siya lagi mas komportable siya ganun matulog. Ngayon nagpapump po ako yung mano mano lng po, isa lng po yun medyo hirap nakakangalay. Malakas naman labas ng gatas ko tulo nga po ng tulo eh. May mga gatas pa na hindi makalabas ang sakit nga po ng dede ko, sobrang bigat at matigas. Ano po pwede gawin? Help me naman po. First mom po ako. CS mom po. ☺️

My 6 days old baby boy ❣️
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello mommy, unli latch lang kay baby. Mas mabuti po hindi nyo imixfeed si baby para mag normalize po dede nyo sa needs nya. Di din po advisable mag pump kasi kakapanganak nyo pa lang po. Unli latch or padede by his demand po, yan din pinagawa ng OB at Pedia sakin basta burping time nyo 15-30mins, pero usually kasi nakakatulog si LO while dede so side lying kami and slightly elevated ang ulo. BF & CS Mom of a Baby Boy din po 🙋

Magbasa pa
4y ago

Hirap din ako sis padedehin si baby lalo na't sariwa pa sugat ko. medyo kumirot pa. kaya di ko mapadede ng maayos si baby. Tsaka pinagpapump ako ng family ng husband ko sis eh. Tapos kapag di ako nakapagpump titimplahan nila formula. Yun din kasi naumpisahan sa hospital. pero mas hinahanap padin ni baby yung gatas ko