Sama ng loob. ?

Meron talagang mga taong walang pakielam sa mararamdaman ng iba. Ang pangit ko daw magbuntis. Sa totoo lang, wala naman akong pakielam. E ano kung pangit? Pero nasaktan ako kasi wala naman siyang alam sa pinagdadaanan ko habang nagbubuntis. Hindi nakakaganda ang stress. Hindi siguro siya nakakaranas na mabaliw baliw sa kakaisip kung pano pagkakasyahin yung sinasahod ng asawa. Yung araw araw di mo alam kung pano makukumpleto yung gamit ni baby. May regular na trabaho ang asawa ko pero aminado kaming hindi nakapagipon bago magkababy. Gusto na namin, pero ang hirap pag nagkakasabay sabay ang gastusin. Tapos may makakasalamuha ka pang mga taong ganito.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag m n lng pansinin sis. sis paraakaipon kayo para kau baby sa health center ka mag prenatal check up at sa lying in ka manganak or sa public hospital k magpaprenatal hamggang msnganak. wala kang babayaran, ako nakapag ipon para sa panganganak nuoon kso at gamit ni baby ksso mad mahirap na pag li.abas n baby napakalako ng gastos . sana d n lng ako nag inarte sa pre natal check up ko at saan ako nanganak eh fi sana d ako hirap after birth kakabaliw talga magbudget

Magbasa pa