Sama ng loob. ?

Meron talagang mga taong walang pakielam sa mararamdaman ng iba. Ang pangit ko daw magbuntis. Sa totoo lang, wala naman akong pakielam. E ano kung pangit? Pero nasaktan ako kasi wala naman siyang alam sa pinagdadaanan ko habang nagbubuntis. Hindi nakakaganda ang stress. Hindi siguro siya nakakaranas na mabaliw baliw sa kakaisip kung pano pagkakasyahin yung sinasahod ng asawa. Yung araw araw di mo alam kung pano makukumpleto yung gamit ni baby. May regular na trabaho ang asawa ko pero aminado kaming hindi nakapagipon bago magkababy. Gusto na namin, pero ang hirap pag nagkakasabay sabay ang gastusin. Tapos may makakasalamuha ka pang mga taong ganito.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ignore them. You shouldn't be bothered by their words kasi wala naman silang naiaambag sa life mo especially sa pregnancy mo. Yung mga taong nagsasalita ng mga ganyan eh yung mga klase ng tao na kulang talaga at hindi biniyayaan ng critical thinking and kinulang talaga sa sensitivity. Stand proud po mommy kasi for sure mas madami kang nagagawa na hindi nila kayang gawin.

Magbasa pa