Ang payat ni baby. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

meron po ba same situation, super thin ni baby, pero malakas nman magdede. ang thin ng legs at braso pero mahaba. anliit din tlaga nya. 1mos and half na. 3.1 pinanganak. 3.8 plang ngaun. mabagal sya tumaba. pinipilit ng mga nurse s center n i pure breastfeed ko pero pag nagppump ako 1 oz lng tlaga nkkuha ko. kaya nag mix na ko. ano po marreccomend nyo? or may dapat ba ko ipagalala πŸ˜”

Ang payat ni baby. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”
38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nanganak ako last oct.2021 2.5kg. Ang weight ni LO. Ko.. Si baby now going 3 mos. Na sya and gaining weight na din. pure bf ko sya unli latch lang mamsh based sa experience ko nag try din ako mag pump nung nag exact 1month sya 1oz lang din both breast napapump ko pero mas kampante ako pag sakin sya nag dede mas madami pa din sya nakukuha at na ddrain nya ng husto both breast ko.. do not worry too much kase maliit pa din tummy nya since 1 month old pa lang din sya. Habang lumalaki si baby madadagdagan din weight nya at gatas mo mamshie.. now nakaka 3oz. Ako single breast pa lang after pump nagpapa latch pa ko kay LO pero may nakukuha pa din sya.. 😊 wag masyado papaka stress kase pag stress ka affected din breastmilk mo based on my experience parang bigla syang kumokonti kaya relax lang dapat para mas dumami gatas mo and eat well balance diet.

Magbasa pa
VIP Member

Baby girl po mi? Kasi if girl mabagal talaga bumigat ibang baby girls. Depende na din sa genes ng parents. Pero as per experience ko. Yung panganay ko na girl 3.2kgs ko pinanganak nung 2 mos na sya di pa umabot 4kgs weight nya. Dito sa 2nd baby ko, boy naman. Kaka 2 months palang nya 6 kilos na pero di rin naman sya mataba. Konti lang din milk ko pag nagpapump ako max ko na 3-4oz. Pero nakaipon naman ako 32bags of milk as of today. No supplements, lots of water lang tsaka kain ng madami. Tsaka pump lang ng pump, padede lang ng padede. Kasi the moment u introduce formula talagang hihina po ang milk mo. Kasi ang milk natin is based on demand. More demand more supply. 😊

Magbasa pa

.okay lang po yan mommy,mag babago pa yan katawan nya at timbang, maari kasing matangkad sya kaya payat (one of d reason).sa gatas kahit ano lang din naman, pare pareho lang naman sila na magaganda, hindi totoo yung kung saan sya hiyang, sa pag timpla din kasi yan, kung matamis o matabang😁😁😁...minsan kasi yung sukat na instruction sa pagtimpla, ayaw ng bata kasi baka walang lasa para sa kanya or minsan matamis naman.....baby ko nestogen, simi, bona, na iinum nya kahit pa iba2, basta medyo sobra yung gatas at kunti an tubig, bet nya basta matamis😁😁😁

Magbasa pa

If your maternal instinct tells you something is wrong, it would be a safer option to really consult with the pedia. They are very open to your questiond po. I myself doesnt seem comfortable with baby's weight po. Seems smaller or baka lang kasi ang laki ng diaper niya. pero parang mabagal po ang weight gain kung 3.8 palang siya. There is no need to feel guilty if you need to supplement with formula kasi baka sobrang stress kana po. Better consult with a private pedia na po para matutukan at maalagaan ng checkup si baby regularly.

Magbasa pa

2.5kg po baby ko na pinanganak, she just turned 3months at 6kg na po siya. EBF po ako. Konti lang din po milk ko sa 1st month naprapraning na po ako kasi baka di sapat pero tuloy lang po unli latch si baby at ang ginagawa ko po everyday umiinom po ako ng milo, snacks ko po ay with oats tapos masasabaw na pagkain. Wag ka po kumain or uminom ng malamig it lessens the production of breastmilk daw po then everyday i take malunggay capsules po and up to 3liters of water daily ngayon po sapat na breastmilk ko para kay baby.

Magbasa pa
3y ago

Sinabi lang po sakin sa hospital noon to lessen the consumption of cold drinks and foods. Just sharing naman po ☺️

VIP Member

Mommy, breastfeed mo lang kay baby sapat na. Anak ko 3.7 nung pinanganak ko, malaki kung titignan pero payat, haba nya din kc. Hanggang 3 months parang napapayatan aq sakanya, 3 days bago ko nagkagatas, pero push ko padin ung pagpapalatch sakanya kahit wala pa gatas,never sumagi sa isip kong i formula sya para lang tumaba. Tumaba nadin sya nung pang 4 months nya. Makikita mo ung kasiksikan nya at talaga nga namang hindi naging sakitin. Push mong dumami gatas mo mommy. Worth it!

Magbasa pa

ok pa din nman un weight sa age nia, at kun di sakitin, do not worry po pero try niu momshie magpalit ng brand ng milk nia at tuloy lng din sa breastfeed khit onti un nalabas sa'yo πŸ™‚ also, try mo din mag-warm compress at massage ng breast at uminom ng malunggay caps,eat healthy foods momshie.. mixed bf at formula din ako, ngayon similac ang formula ng baby ko, 3kg lng baby ko nun ipinanganak, now 3 mos na sha at 6 kg na..

Magbasa pa
TapFluencer

Hi problem ko rin yan dati 1.4kg ko lang nailabas ang baby ko.. pro sabi ng pedia nya padedeen ko lang sya at dadami ng kusa ang milk ko... ginawa ko yun hindi aq tumigil hanggat hindi sya nag dede sakin sanayin ko daw sakin kasi 29days syang nasa nicu kaya di sya sanay mag breastfeed. pro after 2 mos nasanay rin sya sakin..gawin mo yun baka effective din sayo...

Magbasa pa

Mag laga po kayo ng malunggay tas yung water nun lagyan mong milo or kahit hindi na πŸ˜‡πŸ˜ Stay hydrated at isipin lagi na may breastmilk ka para dadami ang gatas mo. Avoid thinking negative para hindi ma stress. As long as healthy naman si baby, okay lang po yan. Tataba din yan paglalaki na sya.

consult with your pedia po. pero as long as na hindi sakitin si baby okay naman. si LO ko maliit din. pero pinatuloy lang na pure breastfeeding. nung nag 1 year old and 1 month pinag mix feeding na kami. pediasure yung nirecommend ng pedia nya

Related Articles