Ang payat ni baby. 😔😔😔
meron po ba same situation, super thin ni baby, pero malakas nman magdede. ang thin ng legs at braso pero mahaba. anliit din tlaga nya. 1mos and half na. 3.1 pinanganak. 3.8 plang ngaun. mabagal sya tumaba. pinipilit ng mga nurse s center n i pure breastfeed ko pero pag nagppump ako 1 oz lng tlaga nkkuha ko. kaya nag mix na ko. ano po marreccomend nyo? or may dapat ba ko ipagalala 😔


ok pa din nman un weight sa age nia, at kun di sakitin, do not worry po pero try niu momshie magpalit ng brand ng milk nia at tuloy lng din sa breastfeed khit onti un nalabas sa'yo 🙂 also, try mo din mag-warm compress at massage ng breast at uminom ng malunggay caps,eat healthy foods momshie.. mixed bf at formula din ako, ngayon similac ang formula ng baby ko, 3kg lng baby ko nun ipinanganak, now 3 mos na sha at 6 kg na..
Magbasa pa

