Gastational Sac lang

Meron po ba same case saken? 5weeks pero nagkaron ako nung Oct5 at mejo malakas 4dys din akala ko normal na regla lang dahil hindi ko pa alam na pregnant ako . October 28 nag pt ako positive Oct 29 nag decide nako mag visit sa ob ko at nag tvs kame kaso ang nakita is makapal lang Base sa paliwanag ng ng 1st ob pwedeng nakunan daw ako at hindi pa niya masabi kung kung yung mga nakita niya kung sakali need iraspa kaya mejo kinabahan ,nalungkot,halo halo na lalo na magisa lang ako non nagpacheckup kaya after 2weeks pinagbabalik ako,Pero nirefer niya muna ako sa Ob sonologist para ma confirm kung ano ba yung mga lumabas sa ultrasound ko after 1week Pag punta ko sa Ob sono, may Gastational sac na nakita pero wala pang yolk sac Kaya nag decide muna ako mag change ng ob para lang sa 2nd opinion at nag hohope na baka mabago yung mga unang nasabi ng 1st ob ko Pinakita kona yung result ng 2nd utz ko sa 2nd ob,pinag aantay ule ako another 2weeks waiting kung may yolk sac ng lalabas dahil baka naman daw early pregnacy .so praying parin ako Pero naghahati yung puso at isip ko na kung ipagdadasal ko ba na sana meron oh sana wag nalang dahil hindi maalis sa isip ko yung mga sinabe ng unang ob ko na baka mag ka problem yung bata at prone sa Down sydrome or pwede may kulang . ang hirap mag desisyon hindi ko maiwasan mag alala habang nag aantay ng another utz 😔sa mga mommy na may ganitong naging experience kamusta po yung mga baby niyo? Pahugot naman ng lakas ng loob araw araw hindi ako makatulog ng maayos kakaisip .

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mi naranasan ko yan yung akin nga 6weeks and 6days , gest sac lang nakita wala pang yolk sac dapat daw yun may heart beat na kaya na praning rin ako . bumalik ako sa ibang ob inantay ko mag 12weeks ako bago nag patingin sa iba ob and pag tingin 12weeks na siya nun malaki na at may heart beat na rin ngayon 16weeks na ako bukas and malaki na si baby sa ultrasound malaki lang agwat ko sa lmp at ultrasound pero normal ❤️ suggest ko lang sayo mi more rest wag papa stress take vitamins kung may nereseta man sayo si ob wait ka lang mi mag kaka baby din yan and healthy ☺️❤️

Magbasa pa
1mo ago

Same po Mhiee. sakin kakapa TVS ko lang kahapon, and 5wks pa lg si baby sa tummy, Gest.sac lang din nkita, no yolk sac and no fetal pole seen yet pa. pinababalik dn ako after 2weeks for another ultrasound.. Hoping n Praying na sa pagbalik namin meron na ❤️ nkakapag alala lang din kc 😔😔

Sa iyong kaso, mukhang may posibleng epekto ng hindi pagkakakilanlan sa iyong pagbubuntis dahil hindi mo pa alam na buntis ka noong mga unang araw ng iyong cycle. Sa ilang mga kaso, maaaring magka-spotting o minsan magkapareho ng sintomas ng regla kahit buntis. Ang Gastational sac ay indikasyon ng pagbubuntis, ngunit ang mga detalye ng iyong kalagayan ay dapat pag-usapan ng iyong OB para makasigurado sa status ng iyong pagbubuntis. I-recommend ko po na magpatingin agad sa iyong OB para masuri ang iyong kalagayan at masiguradong maayos ang lahat.

Magbasa pa

Opo, ganyan din ako. Akala ko normal na regla lang nung October 5 kasi malakas yung bleeding for 4 days. Hindi ko pa alam na buntis ako. Pero nag-pregnancy test ako on October 28, and positive! Nagpa-ultrasound ako, and 5 weeks lang pala ako, and nakita nila yung gestational sac. Minsan talaga may spotting sa early pregnancy, so okay lang yun, pero mas maganda kung magpacheck ka sa OB para sigurado.

Magbasa pa

Same here, nagka-bleeding din ako nung early pregnancy ko. Akala ko period lang kasi malakas siya for 4 days, and hindi ko pa alam na buntis ako. Nung October 28, nag-pregnancy test ako, positive! Yung OB ko sinabi na normal lang yung bleeding minsan sa mga early stages. Pero maganda kung magpacheck-up ka para sure.

Magbasa pa

Hi! Sa iyong sitwasyon, ang spotting na naranasan mo ay maaaring dulot ng hindi pa pagkakakilanlan ng pagbubuntis. Mahalaga na magpatingin agad sa iyong OB para tiyakin ang iyong kalagayan at makakuha ng tamang payo. Huwag mag-alala, madalas ay normal ito, pero best na masuri ka ng doktor. 😊

Yes, marami din ang may ganitong case! I had bleeding for 4 days nung October, akala ko regla lang, pero nag-positive ako sa test nung October 28. At 5 weeks, nakita yung gestational sac. Ganyan talaga minsan sa early pregnancy, pero okay lang kung magpacheck-up ka sa OB para masigurado.

pang ilang weeks mo na according sa LMP mo?

bakit daw po magiging prone sa down?

1mo ago

Dahil daw po dinugo ako nung oct5