Usual lab tests for 3rd trimester

Hello! Meron po ba ditong hindi nirequire ng OB for other lab tests except sa ultrasound? May nababasa kasi akong posts from other mommy groups na nirequire silang magpacheck ng blood sugar, CAS, 3D, 4D ultrasound and the likes. I'm currenty on my 29th wk and aside sa checkup with ultrasound every 3wks (not the kind na may written report na binibigay after checkup kundi screenshot lang ng utz image ni baby), wala pa kong ibang lab tests na naundergo. Is this normal or should I consider having another OB?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Anu na napagawa bloodtest sayo mi? si OB ko first tri palang nag request na agad ng CBC UA blood typing RPR Vdrl HbsAg HIV screening tapos keep lang mga results para Pag manganganak na hindi na uulitin lab tests.. ang uulitin nalang dyan CBC at Urinalysis hindi naman required ang 3d 4d ultrasound optional lang yan kung gusto mo may photo ka ni baby while nasa womb siya.. yung CAS depende din yan sa OB lalo na kung may family history kayo ng may anomalies like down syndrome cerebral palsy etc.. usually Yun nagrerequest talaga CAS Pero kung hindi naman at willing ka pwede ikaw mismo mag Sabi Kay OB na gusto mo mag pa CAS... sa akin since monthly naman ang ultrasound ni OB sa akin hindi na niya ako pinag CAS.. sa blood sugar naman usually sa end of 2nd tri to 3rd tri yan irerequest ni OB mo.. sa case ko naman 2nd tri palang nadiagnosed na ko ng GDM kasi may history talaga kami diabetic.. bago ka manganak niyan may BPS ultrasound ka niyan para naman Yun makita ang well being ni baby..

Magbasa pa