Meron may interesado kay partner sa work niya

Meron na ba nakaexperience nito sa inyo mga mi? Last night nagkwento sakin si lip, may ka-work raw siyang babae na nag-ask sa kanya. Nagpakita ng pics, asking kung alin ang maganda. (Nagpaiwan don yung babae sa station para lang itanong yan). Then tinanong ng manager niya si girl (in kapangpangan) if sino type niyang lalaki. The girl answered his name. He only found out later kung ano yung tanong nung nag ask siya sa friend niya na itranslate. Sabi ni lip, iniiwasan niya daw yun, di niya kinakausap ganon. Technically, umiiwas talaga siya sa mga babae kasi alam niyang may trust issues ako (dahil sa nagawa niya from the past). Pero nagalit padin ako sa kanya dahil may conversation sila and I didn't like the way he replied: "Tnx ---- mwa mwa *kiss emoji*" para sa pagtahi ng napunit niyang pants. I know ganyan siya magrespond, lalaki man o babae. It's part of his character, I've struggled before dyan pero na overcome ko din. Still I told him so many times na wag siya ganyan makipag-usap sa ibang babae kasi they might take it the wrong way. He apologized for that pero masama pa din talaga ang loob ko. He assured me na hinding hindi niya sisirain ang relasyon at pamilya namin. Na sobrang halaga namin sa kanya. At hindi niya gagawin yun dahil nangako na siya sa mother ko, kasama niya din don sa work ang kapatid kong lalaki na bunso. Pero mga mi, nag uumapaw na naman yung doubt sa puso at isip ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya. Back to zero na naman ako. Also I really want to put that girl back in her place kahit ang kapal ng mukha niya to explicitly say that in front of other people kahit na alam niyang may kinakasama at pamilya na yung tao.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You cannot control other people but you can talk to your husband about it. It will be up to him if papatol siya o hindi. Nasa kanya kung gagawa siya ng mali o siya mismo ang lalayo at iiwas sa ganyan. Walang responsibilidad sa iyo yung babae, pero ang asawa mo meron. Kaya dapat siya ang gumawa ng paraan para hindi masira ang tiwala mo sa kanya at magdecide na iwasan yung ganung babae. Mommy, never stoop down. Ikaw ang asawa so wag na wag ka gagawa ng step na magmumukha kang kawawa o naghahabol. NEVER. That is not your role. Basta let your husband know that you are concerned about this and that you are doubting his actions again. Ako kasi I let my husband know that for me, matanda na siya at alam na niya ang dapat niyang gawin. Even nung magjowa pa lang kami he knows this. Kung magloloko siya bahala siya pero alam niya sa sarili niya na kaya ko buhayin sarili ko at ngayon pati anak namin kaya hindi ako takot na magloko siya at iwan namin ng baby niya. Alam din niya na kung may babae na maiinvolve, hindi ako yung tipong babae na magmemessage o susugod o mangaaway because I told him na sobrang cheap ng ganon. I am the legal wife. Why would I be threatened sa ganon. He should know his place and his priorities kasi if not, I'll leave. But I will never look cheap and kawawa just because of his infidelity.

Magbasa pa
2y ago

Yes! Always keep your head up. Hindi ikaw ang dapat mathreaten because ikaw ang #1. Huwag magpapadala sa emotions din. Talk to hubby calmly and let him feel na you are doubting but you still choose to trust him so do not break it.💖 Hugs to you! Lakasan ng loob talaga bumuo ng pamilya, but as women dapat alam din natin ang powers natin hihi

Isa lang masasabi ko kahit anong landi ng babae sa lalaki kung hnd papatol ang lalaki hnd papatol yan. Kahit ilang beses mo syang sabihan at iremind nasa kanya na un if magloko po ulit. Sabi nga nila wlang malandi if wlang magpapalandi. Kaya ako onfe nabroke na ang trust ko ng tao hnd ko na binibigyan ng 2nd chance eh. Mas importante kasi ang Peace of mind,self love and respect ko. Kahit kausapin or chatmo ung babae sis nonsense yan kasi clearly wla naman sya pakielam kahit pamilyado na ang lalaki, Kaya ang game changer dyan is ang asawa mo. Nasa kanya na yan tlaga. Tagal ko na sa BPO lantaran tlaga ang kabitan, May asawa pero may GF din sa work. Tandaan, Its takes two to tango. So masasabi ko manalig ka sa asawa mo at ipag dasal mo na wag sya matempt. Again, Once is enough two or more is too much. Walang nagcheat na HND GINUSTO. Excuse lang nila yan. Choice nila magloko.

Magbasa pa

Ganyan din iyong hubby ko momsh .. kapag may ka chat cya na close sa kanya ganoon din cya mag reply na may mga heart emojis pa. Palagi ko nga siyang pinagsasabihan. Kahit na sinabi nia na wala daw malisyo ron. Pero sabi ko sa kanya na maging sensitive naman cya sa akin. Dahil babae ako, alam ko na may mga babae kapag may lalaking mag chat sa kanila nang ganoon ay feel nila nagkakagusto ang guy sa kanila. It happened to my hubby. Studyante pa nia. Dahil nga too friendly cya sa lahat especially his students. May studyante cya na dikit ng dikit sa kanya. Kaya sabi ko na dahil sa pagiging too friendly nia kaya ganyan ang girl. Kaya hindi na cya ganoon after that incident. Need niyo lang magtalk at iparealize sa kanya kung ano ang na fefeel mo and kapag siya naman ang nasa situation mo kung ano rin ang ma fefeel niya.

Magbasa pa

my husband is also working across different banks at meron talaga mga haliparot na mga babae. kinukwento lahat ng asawa ko kung anong araw bya at kung may mga babae naglilipana na naman.. my iba din na sumusulpot nalang sa messenger nya pero never ako nagselos. pinagsasabihan ko lang sya na never ka magpapakita ng motibo or katitining na rason para humabol sila kasi ang babae madaling makuha kahit kindat at ngiti lang iba na ibig sabihin. IDK pero dahil kasal kami, hindi ako takot sa anong actions ng asawa ko kasi alam ko sa sarili ko na ang Diyos ang mas nakakaalan ng lahat at walang kasalanan na di sumisingaw. Mataas din respeto ko sa asawa ko. pray for clarity po at pag usapan nyo ng masinsinan ng partner mo.

Magbasa pa
2y ago

I cried it all to God last night. Thank you. We will talk about this again pag-nakauwi na siya this sat.

One thing is for sure, you are not still over about your concern. Kasi nagsu-surface pa din kasi siya deep inside. It means, meron ka parin trust issues. May mali din yung partner mo at valid naman yung reason mo at na fe-feel mo. If wala kasing mga pagpahiwatig sa part ng partner mo baka hindi din i-take ni girl in a wrong way. Meron din kasing mga babae na may mindset na dahil sah hindi pa kasal ay pwed pa din maagaw yung lalaki. But kapag ganun si girl, as much as possible iwasan ng partner mo. Pwed din naman kayo mag usap talaga ng masinsinan, tell him na nag su-surface na naman yung issue kasi may trigger.

Magbasa pa

Na Experience ko din yan momsh. And I’m 26weeks pregnant now first baby. May gathering kami kasama si mister and friends. Yung isang girl don nung nalasing na umamin na Iniyakan nya daw mister ko nun na fall daw sya. Hindi nya inisip na buntis ako at umamin pa talaga sya sa harap namin. Pero di ako nag selos kasi alam ko namang si sya papatolan ng mister ko. At di naman nagpakitang motibo si mister. Malaki din tiwala ko sa kanya kahit phone nya alam ko password at alam ko sino mga nakakausap nya.

Magbasa pa

kaya happy ako na pinili ni husband ang permanent wfh kesa mg work sa mga company.. mero at meron at meron tlgang malalandi sa company part tlga sya ng working industry 🤣 selosa akong tao talaga kse malaki ang insecurity ko sa hitsura ko. Naiinis ako kapag nkakabasa ako ng gnto naiimagine ko what if ako maka experience neto baka manabunot ako ng di oras hahaha

Magbasa pa

i-chat mo yung babae malay mo asawa mo lang nagsasabi na nilalayuan niya yung babae. Maganda malaman mo din side ng babae baka nagpapakita din ng motibo asawa mo kaya inlove na inlove si ate mong girl. Tingan mo reply ng asawa mo red flag kaagad kung nilalayuan niya talaga bakit si ate girl pa nagtahi ng napunit niyang pants bakit hindi sa iba niya pinatahi.

Magbasa pa

Open mo account ng partner mo mi then pag nag chat si girl ikaw mag reply. your partner needs to know his limit.. and that girl needs to know how to respect on a committed man. nasa tao yan if mag bibigay ng motibo. wala din rason na mag ka convo sila na di naman about sa work ang pinag uusapan.. trust your instinct.

Magbasa pa
2y ago

Yung chat nila work related lang, maliban sa thank thing na yun. My problem is, masyadong makapal mukha ng girl to say that in front of my partner and other people. Also, gumagawa din ng paraan makalapit sa kanya kahit di na siya pinapansin. May one time daw, nasa station niya siya, lumapit kasama ang isang workmake, nung umalis yun nagpaiwan at tinanong siya which pic of hers ang maganda.

nonsense ang pag iwas ng lip mo if yung babae naman yung dikit ng dikit. Dapat si babae na yung kinakausap mo na mag back off sya. Dahil kalaunan may lalaki padin talaga kahit anong iwas basta yung babae na ang lumalapit naku ewan ko nalang