7 weeks based on app

Meron bang nakaranas ng 7 weeks na pero still wala pa din nakikitang baby or sac thru transv? 3x positive PT last June and July 05. Last mens June 05 and balak ko mag-pt ulit tomorrow 😔

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pareho po tayo June 5 din po huling mens ko. .pero after 3 days na delay ako ng home pt ako n May faint line yung 2nd line kinabukasan nag negative after 7 days nag Pa blood pt ako pero negative Pa din sabi ng Dr. Ko mag wait Pa ng 2weeks mag papa tvs ako sa Aug. 5. .dapat kasi July 3 meron na ko pero imbes na mens iba yung na experience ko alam mo yung pag mag start kana magkaron ma parang patak patak pa lang na hindi nman madami nag pads Pa nga ako pero after 2hr nag charge ako ng liner na lang kasi wala nman then nakita ko sa liner ko bahid lang as in konti lang no need ng liner nag last sya ng mga 3-4 days pero wala ako kahit ano symptoms maliban lang sa my time na sobrang antok ako lalo na nung mga 2nd week ng July ngaun kasi based dito sa app na to 7 weeks na ko nung pumasok ang week na toh bigla parang nawalan ako ng gana sa pag kain kakain pag nararamdaman ko na tlga gutom ko pero pag hindi ako gutom isa oh 2 subo Pa lang wala na ko gana kumain na parang ayaw ko na. .mayroon po ba na tulad ko. .salamat

Magbasa pa

Baka late ovulate sis. Ako lmp ko April 9, nagpa uts ako June 10, so expected ko 8-9 weeks na ako, pero ang nakita lang is sac na aged 5-6 weeks. Wala pang embryo or yolk sac. Galing na ako sa miscarriage last year, blighted ovum kaya takot ako bumalik agad sa OB. Bumalik ako July 10 na and nakita na siya and 10 weeks with heart beat. Prayers lang kinapitan ko sis. Hoping and praying for your successful pregnancy.

Magbasa pa

Possible po na late ka nag-ovulate. Ako kase, 3 weeks late. 9 weeks via lmp pero 6 weeks pa lang sa ultrasound. Follow up scan ka na lang po after 2 weeks, baka makita na po baby mo.

Intay kalang po. Baka late ka nagovulate gaya ko. 9 weeks ako based on LMP pero sa UTZ 6 weeks. Babalik ako after 2 weeks para makita ulit kasi gestational sac palang nakita

Halos sabay tayo ng LMP. June 4 ako. 7th week ko na rin. Magpapa-ultrasound ako next week kasi sabi ng OB, mas ok daw sa 8th week para sure na may makikita.

VIP Member

Usually po sa first 4-7mos pinapabalik po ni ob after 2weeks for follwup transV utz. Hindi ka ba pinpabalik ni ob mo?

Nung ako 7 weeks my amniotic sac na, may fetal pole & heartbeat na din

VIP Member

Yes po. Minsan talaga late na nagpapakita si baby!