Stress level 101

Hello. Meron ba ditong pinagsabay ang pag aalaga ng baby and work? I have a 10 months old baby right now and I was just employed by a foreign client as their accountant, wfh set up ako. Pero ngayon super naistress na ako, i can't even sleep na and I feel sick na din. Anyone who could advise? Ung asawa ko galit pa na ganito nafifeel ko. It's just I feel like kawawa kasi parang sinalo ko na lahat. Wala ako mafeel na care from my husband na oarang okay lang sakanya na super stress and exhausted ako. Wala ako mapagsabihan kaya dto ko nalang ikikwento. :(

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same. 8mos old baby tapos kaka hire ko lang din last January, Local hire and wfh set up for now. Malaking company kaya nag-go ako. Ayon after almost 2 months, I resigned na din. Di kaya ng powers ko ang work, pag-aalaga kay baby at mga gawaing bahay. Hahaha di ko naman maaasahan na matulungan ako ng asawa ko kasi graveyard shift sya and ang work nya is from 9pm-6am tapos syempre kailangan nya magtulog maghapon. Natutulungan nya ako sa pagaalaga pag gising pa nya. WFH naman sya sadya. Pinag-usapan namin kasi nakikita nyang nastress at napapagod lang ako, pinagresign na nya ako. Siya na lang ang magwowork for our needs & ako kay Baby, kaya naman daw niya ang pangangailangan namin, which is totoo naman. Ako lang matigas ang ulo, gusto ko itry. Kaso sumakit lang ulo ko, demanding ang work pero mas demanding si baby. 😊 Good choice nman kasi tutok ako ngayon sa anak namin.

Magbasa pa

Siguro maghire ka na lang ng yaya for your child since andyan ka naman at wfh makikita mo pa rin naman sila. Para mabawasan na din yung trabaho mo.