pa rant please

meron akong ka live in‚ 1 year na kami nagsasama. meron siyang dalawang anak na sinusustentuhan sa una niyang naka live in. 2500 ang pinapadala niya kada sahod tuwing biyernes. minimum wage lang ang sinasahod niya (610) dito sa quezon city. una kaming nag live in sa valenzuela dahil doon ang lugar ko. and yes napakalayo ng bina-byahe namin pag papasok sa trabaho. wala kaming naging problema doon, walang nangdidikta saamin, walang nangingialam in short walang stress, masaya lang kami at parehas kami no'n may trabaho. august nabuntis ako‚ wala kaming ipon na sapat dahil nga may pinapadalhan/sinusustentuhan siya at share kami sa lahat ng babayaran at bilihin. october nag moved kami dito sa mama niya sa quezon city para makapag ipon para sa panganganak ko. pumayag ako na mag moved kami dito kahit alam kong ilang saakin ang nanay ng kalive in ko dahil nga sa mayroon na siyang dalawang anak. hindi sila mayaman pero ramdam kong ayaw saakin ng mama niya. okay lang saakin, dahil nakahiwalay naman ang bahay na tinitirhan namin, yun nga lang magkatabi lang ang bahay, no choice ako para sa magiging anak ko din itong ginagawa ko. october nag stop na ako mag work dahil maselan ang pagbubuntis ko, kaya back to taong bahay ulit. october, november, okay ang pagsasama namin, okay ang pakikitungo saakin ng mama niya kahit alam kong plastic lang yon. start ng december parang nagiba na ang ihip ng hangin, nasusulsulan na ang ka live in ko na doon nalang ako patirahin sa tatay ko, hindi ko alam kung bakit, wala naman akong ibang ginawa o ikakasama nila. hanggang sa hindi na naging okay hanggang ngayon, nag aaway narin kami ng ka live in ko kahit sa maliliit na bagay. hindi ko na alam ang nangyayari. hinihintay ko nalang manganak ako at makapahinga after manganak tsaka mag trabaho ulit at magbukod ng magiging anak ko, btw nakaplan na ang gagawin ko kukuha ako ng baby sitter para makapagtrabaho ako. then after work ko kukunin, ganon lang araw araw. kahit alam kong hustle ang mangyayari kakayanin ko dahil wala akong ibang aasahan. pinipilit ng mama ng ka live in ko na balikan nalang ang dating ka live in dahil may dalawang anak na sila, masakit saakin pero hindi pumayag ka live in ko. sa ngayon nagtitiis ako, dahil wala pa akong trabaho at diko pa kaya. ano ma aadvice niyo sa akin mga mommies? ano ba dapat ang gagawin ko? kung ganito ang sitwasyon ko

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Yung lip mo po kailangan niyang magdoble-kayod para masuportahan kayo lahat. Ok lang naman kung kaya niya at hindi siya nagpapasulsol sa nanay niya. Pero kung hindi mo po kaya ang sitwasyon ninyo, pag-isipan mong mabuti ang mga gagawin mo kasi long-term na po iyan.

Lesson learned sayo yan mi. Alam mo naman may anak na sa una yung LIP mo tas wala pala kayong ipon edi sana nag family planning muna kayo 🫤